Kylie's POV
Hindi ko matanggap na siya pa , si Crimson pa ang gagawa sakin nito , na siya pa ang mamamahiya sakin ng ganito .
Ilang taon , ilang taon ko siyang hinintay . Sa lahat ng natira sa LLDO , ako lang ang nabuhay . Tumatanda at namamatay ang mga nakakasama ko pero ako? Nananatili ako kung ano ako noon . Inampon lang ako ng tinuturing kong pamilya ngayon . Sila yung masasabi mong nasa Class Z malayong malayo sa buhay ngayon nila Crimson na nasa Class A .
Tinulungan nila ako , ginawa nila ang lahat para lang makapasok ako sa Academy na yon since wala na rin akong pera .
Immortal . Yan ako . Parang Vampires lang sa movies .
Oo masakit yung ginawang pamamahiya ni Crimson . Nasaktan ako , di ko lang inakalang ibang iba na siya sa katauhan niya ngayon .
Wala na yung Crimson na mabait at maalalahanin ,salungat na salungat sa Crimson ngayon .
Pero isang magandang pagkakataon din ito para mapalapit ako sa kaniya .
Naalala ko ang mga mukha nila kanina . Gulat na gulat sila ng makita ang tunay kong itsura . My white hair that I've hidden for centuries .
"Anak?"
"Ma , pasok po ."
"Mukhang masaya ka anak ah? Ok ka na ba?" Nakangiting tanong ni mama .
"Nakita ko na siya." Nakangiting sabi ko .
"So siya na pala yon anak?"
"Opo ma , maraming salamat nga po pala sa pagkupkop niyo sakin." Sabi ko saka ko niyakap ng mahigpit si mama .
"Sama niyo naman ako diyan." Sabi ni papa atsaka siya yumakap sa amin .
Mahal ko itong dalawang to kahit hindi kami magkadugo . ^_^
Nahagip ng mata ko ang D.S ng LLDO na matagal kong itinago .
Crimson ...
Gabb's POV
(^^)Black Spade(^^)
DarenggQt: Ang ganda pala ni Kylie no?
Ashtot: Nakakainlove siya.
DarenggQt: Inlove ka naman sa lahat eh .
Ashtot: I hate them . You know that .
Lance: Kakahiya ba ako kanina?
Ashtot: Hindi naman =_=
DarenggQt: Sobra lang 😂
Lance: Waaaaaaaaaahhh
Me: Tss . Ingay niyo .
Agad kong mi-nute yung GC namin . Hindi ko alam pero parang matagal ko ng kilala si Kylie . The white hair . Lagi kong nakikita si Red riding hood sa mga panaginip ko .
Ilang week narin ang nakalipas simula nung pasukan at mangyare ang mga hindi dapat mangyare.
Sobrang bilis talaga ng panahon.
Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na matulog . Wala naman kasing pasok bukas dahil gaya ng sabi ko , once a week lang .
"Kuyaaaaaaaa!!!" Sigaw ni Kisuka saka ko nalang namalayan na dinaganan nya na pala ako .
"Araaaaaay! Ang bigat mo! What do you want!" Galit na sigaw ko .
"*sobs* G-galit ka sakin?" Naiiyak na sabi niya . Here we go again .
"Oh hindi na pala tara na dito baby." Sabi ko sabay irap .
"Yehey! Dito ako matutulog ." Masayang sabi ng kapatid ko at saka kumuha ng unan at yumakap sakin . "Ikaw talaga."
12am na. Sinubukan ko ulit matulog and atlast! Nagwagi din ako .
"Crimson." Sino yun?
"Nakikita mo yang mga pader na yan? Makakatapak din ako sa loob niyan." Masayang sabi ng isang babae na nakaharap sa akin .
"Crimson?"
"Crimson?"
"Mahal na mahal kita Crimson."
"Crimson?"
"Kuya Gabb! Gising na !"
Napabalikwas ako dahil sa sigaw ni Kisuka .
"Damn Kisuka! Again?" Naiinis na sabi ko .
"Kuya may pasok tayo!"
"Kisuka , wala akong pasok ngayon"
"Ay oo nga . Sorry kuya , tulog ka na ulit . Bye! ^_^"
Akmang babalik na sana ako sa pagtulog ng biglang may tumawag sakin .
"Son? Daughter? May papakilala ako sa inyo." Tawag ni Mom .
"Sino mommy?"
"Is it that important Mom?" I asked .
"Kylie... Come here ." Kylie? "Children , meet your new yaya."
S l o w m o t i o n
Ganyan ang entrance niya . That white hair and red coat . Her nerd glasses .
"Wow! You're so cute yaya!" Masayang sabi ni Kisuka at saka niyakap si Kylie .
"So , kilalanin niyo nalang ang isa't isa guys . I have to go . Oops wait! Sumama ka sakin Gabb, iiikot kita sa company natin ."
"Do I really have to , mom?"
"Yes. Kahit wag ka na maligo . Bilisan mo." Sabi ni mommy saka lumabas sa kwarto ko .
"Mag-ayos ka na." Nakangiting sabi ni Kylie .
"Tss."
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AventuraLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...