Crysel's POV
Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang tumapat sa pinto ng kotse namin at saka ito binuksan .
"Magandang hapon Mam Crysel. Welcome to Harfeld Academy." Bati niya sa akin at bahagya lang akong tumango .
Nagsimula na akong ilibot ang buong kastilyo at namangha ako sa itsura sa loob noon dahil na rin sa naiwan ng lalaki na bahagyang nakabukas ang pinto .
Napaka-classy . Para kang nasa loob ng isang magandang mansiyon . Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at bahagya itong tinulak sapat na makita ko ang kabuuan ng bulwagan na iyon . May dalawang higanteng staircase ang agad mong makikita sa gitna . Isang malaking chandelier naman ang nakasabit sa malawak na kisame nito kasama ang mga - mga portrait nila mommy , daddy , tito Zach , tito Pen , tito Andrew , tita Lady , tita Kira at tito Akira .
Napapikit nalang ako ng maalala ko si mommy at daddy .
"Tara na Crysel." Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko . Si Tita Andrea lang pala .
Sinamahan kami ni kuya Jay (yung lalaking naka-itim kanina) sa pupuntahan namin . Pinagmamasdan ko ang buong paligid habang umaakyat sa malawak na hagdan . Napakaganda sa mata .
Sumunod na ako sa kanila at bawat kwarto na nadadaan namin ay napapatingin ako dahil na rin sa mga letra na may kasamang numero na nakasulat sa isang gold plate na nakasabit sa pinto .
Zxcv 1
Xcvb 2
Cvbn 3
Vbnm 4
Napakalawag din ng hallway nito na pwede ka ng mag bike ng paikot ikot . Mga lamps lang ang nagbibigay liwanag sa paligid at dahil na rin sa liwanag mula sa araw na mula sa malaking ceiling to floor na bintana sa dulo ng hallway .
Lumiko kami pagdating namin sa dulo at agad kong binasa ang gold plate na nakasabit sa pinto no'n .
"Principal Leo's Den" Ano siya? Lion?
Unti-unting bumukas ang pinto ng itinulat ito ng marahan ni kuya Jay . Dahan dahan din humarap ang tao na nakaupo sa swivel chair . Gaya ni kuya Jay , nakasuot din ito ng black suit . Hindi kaya sindikato sila?
"Welcome back Andrea ." Masayang bati nung lalaki na nasa mid-30's ang edad na may jet black na kulay na mga mata . Bahagyang malaki at matikas din ang katawan nito na dahilan para mag fit sa kanya ang suit niya .
"She's the daughter of Chandri- No , I mean , she's the daughter of Chrismel and Crimson ." Walang emosiyong sabi ni tita Andrea .
"Kaya pala , akala ko'y muling nabuhay si Crimson at Chrismel . Pinaghalong awra ng dalawang iyon ang awra mo ngayon Crysel." Nakangiting sabi ni Sir Leo .
"Lately , nung papasok palang kami dito may-" He cutted me .
"That's a barrier for the safety of your co-students and everyone . Buti pa'y magpahinga ka na sa dorm niyo ." Sabi niya at saka ako binigyan ng isang gintong susi .
Nauna ng lumabas si tita Andrea habang ako naman ay nakasunod . 'Xcvb 2' Iyan ang nakasulat sa susing hawak ko .
Agad akong tumapat sa pinto at ipinasok ang susi sa doorknob . After a few seconds, bumukas ang pinto .
Napanganga ako dahil sa mangha . Isang kwarto na may second floor ! Wow!
"Omg! She's here na!" Isang magandang babae na naka pink sando at black shorts ang lumabas sa CR at agad yumakap sa akin .
Kasunod niya pa ang isang babaeng may curly hair na inaalalayan ng isang lalaki .
"Welcome Crysel! Kami ng pala ang new roomies mo!" They shouted with full of life.
Mukhang magiging madali silang pakisamahan :)
----
Vote and Comment guys! Para sipagin si Miss Author! Hehehe!
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AventuraLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...