Chapter 18

477 35 0
                                    

Shia's Pov

"Sorry." Sabi ni Penumbra at saka lumayo ng bahagya .

"No, it's ok." Sabi ko saka tumingin sa malayo . "Gusto mo na ba mag logout? I mean bumalik sa tunay na mundo?"

"Sige." Maikling sagot niya atsaka umayos ng upo .

"Kumumpas ka sa hangin at may lalabas na maliit na screen. Sa babang baba makikita mo yung Logout pindutin mo iyun. Kuha?"

"Oo." Ginawa niya kung ano ang mga sinabi ko . "Bakit ayaw gumana?"

"Ha?" Agad kong sinubukan yung sa akin ngunit gaya niya , nabigo din ako.

Anong nangyayare?

Lili's pov (Crimson's younger sister)

'Isang hell-like virus ang natagpuan sa LLDO. Madaming players na ang sinasabing namatay dahil sa Nervous Breakdown. Sa ngayon ay wala pang nagagawang aksyon ang mga namumuno sa na nasabing VRMMORPG game . Ang taging iniwang babala lang ng mga ito ay wag na wag tatanggalin ng mga taong naiwan sa kanila ang kanilang D.s . Ako si Liezl Sonto , naguulat'

Agad akong napaakyat sa kwarto ni kuya dahil sa balitang narinig ko .

"Kuya!!!"

Calling dad........

'The number you have dialled is out of coverage area , try again later'

Ano nang gagawin ko???

GM Vhinmae's pov

Naalarma kaming lahat na mga GM's dahil hindi kami makapaglog out at ang pagiging kulay dugo ng kalangitan .

Dumami din ng ulat ng mga namamatay dahil sa PK o Player Kill.

"Hon , paano na ngayon ?" Tanong ni GM Maevhin , girlfriend ko na kasalukuyang nagdadalang tao sa game .

"Hindi ko alam . Basta , kailangan nating mas magingat. Magpapadala ako ng healer Elves dito at iba pang mag babantay sa inyo , sa iyo . Kailangan kong tulungan sila GM Winter Morphine at si GM Amaranthine." Sabi ko at saka hinaplos ang mukha niya.

"Magiingat ka." Sabi niya at saka malungkot na yumuko. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal ko din kayo . Hahanapin ko na rin si Crimson at sisiguraduhin kong nasa ligtas siyang kalagayan ." Sabi ko at saka siya hinalikan sa labi . "Bye hon."

Lumabas na ako sa Secret House na ginawa ko para kay Mae .

Sa totoo lang , hindi ko alam kung makakabalik pa ako kaya't sinigurado kong ligtas ang mag-ina ko . Nandoon kaming pareho noong binubuo at pinagpaplanuhan ang konsepto ng LLDO . Kaya't alam ko kung ano ang mangyayari once na magkaroon ng virus ang game na ito . All you need is to Survive in the game hanggang sa maayos ito .

Habang nasa himpapawid ako , nakaramdam ako ng kakaibang awra sa paligid ko .

'Innnnnnnnnnnnnngggggggg'

Isang malaking unidentified flying object ang pabulusok sa direksyon ko .

'Guardian Shielder!'

Nabalot ako ng isang Ice-like barrier ngunit hindi iyon gumana . Mabilis na tumama sa akin ang bagay na iyon .

Nanlalabo ang paningin kong bumulusok pababa sa kagubatan .

Napapikit nalang ako habang hinihintay ang katapusan ko .

'Protection!'

Narinig ko ang sigaw ng isang babae at tuluyan na akong nawalan ng malay .


Crimson's pov


"Gm Winter magiging maayos po ba si tito?" Tanong ko sa isa sa mga GM ng LLDO .

"Oo pero mababa ang posibilidad . Masyadong malakas ang object or monster na tumama sa katawan niya . Halos ma-drain na ang life bar niya sa lakas ng impact . Buti nalang ay nakagamit siya ng barrier skill kahit papaano . Hindi natin alam kung makakarecover ang katawan niya sa real world." Sabi nito at saka yumuko .


"Vhin , nandito na ako . Nandito na kami ni baby."

Nagulat kami sa iyak ng isang babae .

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon