Ariella's POV
... Crimson.
"Oh? Bakit may stripper dito?" Tanong niya saka ako tiningnan.
"Binili ko na yan . Para sayo yan bro." Masayang sabi ni masayahin.
"Lols. Seriously?" Sabi ni Chrimson or should I say , ni Gabb saka ngumisi .
"So , you can now start your show now Ms. Stripper ." Sabi ni masayahin saka inakbayan si Drei . "Bro , uwi na kami enjoy your night"
Pagkaalis nila ay muli kong isinet yung mini speaker . Kaming dalawa nalang ni Crimson ang nandito. Pumasok siya sa kwarto at lumabas din na half naked at jersey shorts .
Nagsimula na akong sumayaw habang dinadama ang indayog ng musika . Lumapit ako sa kanya ngunit nanatili siyang nakatitig sa laptop niya . Lumapit ako sa kanya at saka ko isinara yung laptop niya . Pero nagulat ako ng bigla niya akong itulak .
Maging ako ay nagulat sa ginawa niya .
"What the fck! Nakikita mong busy ako diba?! Ano bang problema mo ha?" Nagsimula ng mamuo yung mga luha ko . Hindi , hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya .
"So-sorry po sir." Tumalikod ako sa kanya at pasimpleng pinahid ang luha ko saka niya inabot sakin yung remote .
"Manood ka na lang muna diyan ... Ariella ." Ariella? Kilala niya ako??? "Sorry Miss. Naalala ko lang yung ex wife ko . Sige na doon ka muna at eto suotin mo muna at baka lamigin ka ." Sabi niya saka iniabot sa akin ang isang long sleeve. Agad ko iyong isinuot at umabot iyon sa hita ko at lumagpas sa mga kamay ko .
"Mas bagay sayo." Nakangiting sabi niya .
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko . Matutuwa? Maiiyak? Matatakot? Akala ko nagbago na siya pero mali ako .
Agad kong binuksan yung malaking tv at nanood ng cartoons isiniksik ko yung katawan ko sa loob nung long sleeve since kasiya naman ako .
Gabb's POV
Kasalukuyan kong tinatapos mga business plans at projects ko . 3am na , buti nalang ay wala akong pasok bukas . Napatingin ako sa sala at nakahiga na doon yung babaeng nakamaskara . Siya din yung babaeng nakita ko sa bar kagabi at sigurado ako do'n .
Halata sa kanya na hindi siya sanay sa ganoong bagay . Halatang bago lang siya sa gano'ng trabaho . She's not that sexy , medyo malaki kasi tiyan niya .
Isinara ko na yung laptop ko . Pumunta ako sa kwarto para kunan siya ng kumot dahil halatang nilalamig siya .
Aksidenteng napatitig ako sa kalahati ng mukha niya . Namimiss ko na si Chrismel . Iniisip ko na iisa sila pero imposibleng humantong ang buhay niya sa ganito .
Tatanggalin ko na sana yung maskara niya ngunit pumasok sa isip ko na sinusuot nga nila iyon para hindi sila makilala . Sa huli , napabuntong hininga nalang ako bago bumalik sa room ko at natulog .
'Kringggggg' 'Kringggggg'
Abala naman sa tulog to. Napabangon nalang ako para hanapin at patayin yung alarm clock ko .
"6:00 am seryoso?! Hayys!" Lumabas na ako at dumiretso sa kusina para magkape .
Naglakad na ako papunta sa sala at nagulat ako ng makita ko yung babaeng nakabulagta sa gilid ng center table . Agad akong tumakbo sa kanya at dahan-dahan siyang binuhat papunta sa kwarto . Niyugyog ko siya para magising pero nabigo ako .
Agad kong tinawagan si Ellie at mabilis ko siyang pinapunta dito .
Gumising ka please ?
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...