"Dinala ka dito ni James Ashton kasi siya lang yung nakita ni Curlyn kanina nung nawalan ka ng malay." Kwento ni Anya habang binabalatan yung ponkan .
"Naglalaro ka din ba—"
"Oo . Level 56 na nga ako e." Masayang sabi ni Anya .
"Required ba na maglaro ng LLDO dito sa Academy?" Tanong ko saka umupo ng maayos .
"I don't think so . Lahat kasi ng students dito binigyan ng ganyan e. Para ata sanayin yung fighting skills natin kasi physical strength din halos ang ginagamit do'n." Hmm ganun pala yon .
Kinahapunan , nakauwi na din kami ni Anya . Pumasok pala yung iba naming kasama at ako ang dinahilan nitong babaeng ito para di siya makapasok .
Umakyat ako sa rooftop mag-isa . Gusto ko lang mag unwind . Pinanood ko ang paglubog ng araw . Ang ganda ...
Inilabas ko sa bulsa ko yung family picture namin .
"Mommy , Daddy . Nandito po ako sa dati niyong school . Masaya po dito , madami na din po akong kaibigan. Miss na miss ko na po kayo ." Sabi ko saka tuluyang dumausdos yung luha ko sa mga pisngi ko .
"Mind if I join you?" Napatingin ako sa lalaking nasa pinto ng rooftop . Inaamin ko , gwapo siya kahit black amerikan siya . "Hello ? Miss?"
"Ha? Ano ulit sabi mo?" Tanong ko.
"Mind if I join you here?" He asked . Iniabot niya sakin yung kamay niya . "James Ashton."
Inabot ko yung kamay ko sa kanya at saka ako nag pakilala .
"Crys—" He cutted me .
"Crysel Damsell . I knew it already." Nakangiting sabi niya .
"Fine." Rolled my eyes .
"Handkerchief?" Alok niya sakin sa hawak niyang puting panyo .
"Thanks , but no thanks." Sabi ko saka ako tumalikod .
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya . Hinawakan niya ako sa balikat at iniharap niya ako sa kanya . Ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan siya habang pinupunasan yung mukha ko .
"Ayan. Ngumiti ka lang lagi . Mas maganda ka kapag nakangiti ." Sabi niya saka naglakad palayo .
"Teka?! Thanks nga pala sa pagdala sakin sa clinic kanina!" Pahabol na sigaw ko .
"No problem." Sagot niya ng di man lang lumilingon sakin . I found him sweet . Baka isipin nila malandi ako.
Ilang minuto pag-alis niya , napagdesisyunan ko na ding bumaba since madilim na din naman .
"Crys?! Saan ka ba galing?" Nagaalalang sigaw ni Curlyn .
"Nagpahangin lang ako saglit sa rooftop ." Sabi ko saka ngumiti .
"Ano ba nangyari kanina? Bakit bigla kang nawalan ng malay?" Tanong ni Angie .
"Buntis siya , si Gio ang ama ." Napatingin kaming lahat ng masama kay Anya . "Biro lang naman!"
"Balita ko si James Ashton daw nagdala sayo sa clinic ah?" Jacob asked .
"Seryoso? Si James Ashton na anak ng dalawang pinakamayaman na negosyante dito sa Earth?" Gulat na tanong ni Angie .
"So ? How do you find James, Crys?" Mapangusisang tanong ni Anya .
"Well he's pretty cool yet sweet." I exclaimed .
"Sweet? So you've met him already???" Angie asked in state of shock .
"Hey? Sino pinag-uusapan niyo ?" Napatingin kaming lahat sa kadarating lang na si Gio .
"Si James Ashton ." Sagot ni Jacob .
"Ah? Really?" Biglang napalitan ng disappointment yung mukha ni Gio bago siya pumasok sa kwarto namin . So? He thought siya yung pinaguusapan namin?
Hindi na lumabas si Gio nung gabing yon . Pagpasok ko sa kwarto namin , tulog na siya kaya natulog na lang din ako .
Voice :
"Tulungan niyo ako! Tulungan mo ako Crysel!"
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...