Chapter 19

470 29 0
                                    

GM Maevhin's pov

Pagkaalis na pagkaalis ni Vhin , isang kakaibang awra ang naramdaman ko .

Kaya kong makadetect ng kakaibang awra sa paligid ko dahil yun ang passive ko .

Agad akong lumipad para sundan si Vhin . Pero huli na ako , tinamaan na siya ng Legendary monster na Green Overlord .

Nakita kong may tumulong na sa kanya kaya agad kong hinabol yung monster na iyon .

'Do you want to take the quest with th Green Overlord?'

[Yes] [No]

Walang ano-ano ay agad kong pinidot ang Yes button.

Para sayo ito mahal ko .

Green Overlord
Level ∞
(Legendary)
10000000 Hp
1

000000 Mp
1000000 Sp

Gold drops : 500000000000 gold
Item drops : Unknown


'Angelic Voice!'

Agad akong kumanta sapat na para mapatulog ko ang G.O.L ng isang minuto .


'Angel's Judgement'


Agad umulan , kumidlat at umulan ng yebe . Nabalot ng yelo ang kalahati ng G.O.L at nag karoon siya ng Frost effect . Unti unting nababawasan ang Hp niya .


10 segundo nalang ang natitira . Agad kong inilapag ang SS ko .



'Death Shadows!'


Nagulat ako ng bigla siyang nabalot ng apoy pag katapos no'n ay umulan ng mga nagliliyab na bulalakaw .


Sinubukan kong iwasan ang mga bulalakaw na iyon ngunit nabigo ako . Natamaan ang kanan kong pakpak buti nalang at may umalalay sa akin .


Base sa itsura nito , mayron itong mahahabang tenga at kulay berdeng kasuotan. Elf.



'Zeus Lightning !'



'Death Arrows!'


'Sunfire Crest!'


Sunod sunod na skills ang iki-nast ng mga Elves na kasama nitong umaalalay sa akin .


Tuluyang sumabog ang Legendary G.O.L.





'Legendary Monster Green Overlord has been slained by GM Maevhin'





"Woooooh !! Sa wakas tapos na!" Sigaw nung babaeng Elf-Archer.


"GM Maevhin , ayos lang po ba kayo?" Tanong nung isa pang babae na kasama nila .


"Oo salamat sa inyo . Sainyo na itong items na nakuha ko sa G.O.L." Alok ko sa kanila at saka sinimulang i-mystery gift iyon .


"Nako nako ! Kahit dito nalang po kay Penumbra . Bago lang po kasi siya dito at wala pa siyang items maliban sa herbals na kinuha namin. Ay Pen! Gamitin mo yung Regeneration potion . I-mix mo yung Aguin at Rox ."



Agad na ginawa nung lalaking umaalalay sa akin ung sinabi nung babae .


"Ok na ."



"GM , Inumin niyo po yan . 5minutes po iyan bago tuluyang umepekto sa pakpak niyo . Mabuti po ay lumapag tayo at doon kayo magpahinga ."



"Naigift ko na sayo Penumbra ung item . Iequip mo iyon para mas maging secure ka sa lugar na ito lalo na ngayon na kailangan nating maka-survive. By the way , pwede niyo ba akong dalhin kay GM Winter ?"


"Opo opo ."


"Tara na ."


Wala pang limang segundo'y nasa tapat na kami ng isang tree house . Agad kaming nagtungo doon and again , I saw him .



"Vhin , nandito na ako . Nandito na kami ni baby." Iyak ko saka dahan dahang lumapit .




"Kritikal ang lagay niya ngayon ." Nakayukong sabi ni GM Winter .



"GM Winter , baka matulong kami ." Sabi nung babaeng elf na isa sa mga tumulong sa akin kanina .

"Elves???"



"Sila yung mga tumulong sa akin kanina ."



"Buti nakaligtas kayo ." Maluha-luhang sabi ni GM Winter.



"Ha? Anong ibig mong sabihin???" Tanong nung isa pang babaeng elf.



"Nabalita kanina na inubos daw ng Demons lahat ng Elf. Winasak at sinunog ang Holy Land. I'm sorry."



"Si kuya !!!!!!" Sigaw nung elf na babae at saka patakbong lumabas sa tree house .



Agad hinold ni GM Winter ang fairy wings niya dahilan para bumagsak siya buti nalang at nasalo siya ni Penumbra at saka ito humagulgol sa dibdib nito.



"Mae..." Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin .

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon