Life won't get any easier so you will just have to get stronger, True strength is discovered when everything is falling apart but you have the strength inside you to keep it all together.
-Unknown
Crimson's POV
Unti-unting lumipad sa hangin ang mga naging abong katawan ng mga kasama ko .
"Kuya Crimson , si mama at papa . Wala na sila ." Sabi ni Aluminanight habang umiiyak . Nagtaka ako na makitang buhay pa si Aluminanight ngunit naalala ko na gaya ng mobs at monster , parte sila ng laro , kapag namatay , nag rerespawn sila .
"Mag buff ka . Tulungan mo akong patayin yang gag*ng Cerberus na yan." Sabi ko atsaka nag simulang mag buff si Aluminanight bago pumasok sa pouch ng armor ko .
Natutulog na ang Cerberus gaya ng sinabi sa info nito.
Halos nag regen na lahat ng nawalang HP at MP niya kaya nasayang lang ang sakripisyo ng mga kasama ko .
30 minutes. Yan nalang ang natitirang oras bago tuluyang magising ang Cerberus .
4:01:01 . Yan naman ang natitirang oras bago mag wipe out .
Dahan dahan akong lumapit sa Cerberus . Agad kong nilabas ang Death Reaper Sword ko at kinaladkad ito habang papalapit sa Cerberus .
Naalala ko ang special ability ko nung nasa Magic World pa lang ako . Super speed .
Tumakbo ako paikot sa Cerberus habang hila-hila ang espada ko . Pabilis ng pabilis . Unti-unting nabuhay ang apoy paikot sa Cerberus na dulot ng espada ko .
Agad akong tumakbo paakyat sa likod ng Cerberus at nang nasa taas na ako at akmang sasaksakin na ito sa likod , bigla itong nawala dahilan para bumagsak ako sa sahig .
"T*ngina."
Nakiramdam ako at isang awra sa likod ko ang naramdaman kong papalapit sa akin . Agad akong nag bling upang iwasan iyon .
"Raaaaaaaaaaaaahhhh" Sigaw ng Cerberus at saka'y bumagsak sa sahig na kanina'y kinatatayuan ko .
Pumikit ako at huminga ng malalim. Isang kakaibang lakas ang tila pumasok sa katawan ko .
Habang nakapikit ako , isa-isa nagpakita ang mgs kaibigan ko . Lahat sila'y nakangiti sa akin .
"Your personal situation is not your final destination. Be brave hold on and continue strong."
-unknown
"Raaaaaaaaaaaaaaaawwwrrrrr" Pasalubong na sinugod ako ng Cerberus kasabay nun ang biglang pagliyab ng espada ko .
"Para sa mga kaibigan ko!!!!" Matapang ko siyang sinugod habang nagba-buff si Aluminanight ng haste at Regeneration.
Nagbuga ng apoy , lava , tubig at yelo ang apat na ulo ng Cerberus ng sabay sabay .
Nagblink ako ng nagblink upang iwasan ang mga iyon . Habang tumatakbo at papalapit ng papalapit sa kanya mas nararamdaman ko ang patuloy na paglakas ng kapangyarihan na bumabalot sa akin .
Agad kong ini-activate ang wings ko at lumipad sa ibabaw ng Cerberus .
"Last breath!"
Cast ko sa AoE ko at saka ako napaluhod sa sahig . Sa likod ko'y makikita mo ang paglutang ng Cerberus habang patuloy na hinahati ng hangin ang kanyang katawan.
Makalipas ang ilang minuto , tuluyan ng sumabog ang Cerberus.
"Nagawa natin !" Masayang sabi ni Aluminanight.
"Sa tingin mo ba'y tuluyan ka ng makakaalis?" Tanong ng isang boses .
Agad kaming nagpalingon-lingon upang hanapin iyon .
Sa madilim na bahagi ng silid , lumabas ang isang lalaki .
Pero paano ito nangyare?!
---------
Last chapter na po yung next ^_^
Salamat po sa mga sumosuporta!
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...