Crimson's pov
Agad kaming nagpaalam kay GM Winter at GM Mae ng makaramdam kami ng kakaibang awra sa Holy land , village of elves .Gumamit kami agad ng TPS para makapunta kami agad doon ngunit huli na kami , pagdating namin doon ay wala ng kahit isang natira . Nagkalat ang mga patay na elves sa kahit saan .
"Umalis na tayo ." Sabi ko sa mga kaguild ko at saka kami nag TP papunta sa Tree house .
"*Knocks* GM Winter nandito na kami." Sabi ni Chrismel at agad naman bumukas ang pinto .
"Si Uncle ? Okay na ba siya?" Agad kong tanong .
"Nandoon sila ni GM Mae sa kwarto sa taas ." Nakangiting sabi ni GM Winter saamin .
Agad kaming tumakbo patungo sa kwarto nila Tita at tito .
"Tita! Tito!" Masayang sigaw ko at saka sila niyakap .
"Mabuti at ligtas ka !" Masayang sabi ni GM Mae .
"Opo mabuti nga iyon . By the way , mga kaguild ko nga pala . Si Dragon , Azad, Kira , Grim , Freak at si Chrismel."
"Hello po!" Masaya at sabay sabay na bati nilang anim .
"Wow! Buntis ka sa game GM Mae?!" Masayang sabi ni Kira .
"Babe I told you! Virtual Reality ito!" Grim.
"I know right! Pero siya palang kasi nakikita kong ganyan eh." Kira.
"Edi gumawa kayo!" Natatawang sabi ko .
"Oo nga . Gawa nalang tayo babe gusto mo?" Pabebeng sabi ni Grim .
"Heh! Manahimik!" Sabi ni Kira at saka umirap .
Hahahahaha kahit kailan talaga tong dalawang to!
"So ate , kailan ka po manganganak niyan?" Curious na tanong ni Chrismel.
"Gusto mo malaman?" Nangaasar na tanong ko kay Chrismel .
"Malamang ! Kaya nga nag tatanong ako diba ?" Mataray na sabi ni Chrismel.
"Gawa nalang tayo para di mo lang malaman , mararamdaman mo pa! Hahahahaha"
Gigil na gigil niya akong hinabol at pinagkukurot ng maabutan niya ako .
"Hahahahaha aray! Tama na!"
"Tawa ka pa ha! Ihhhhhhh!!!!"
Ang cute niya talaga .
So gay ...
"GM Mae , mukhang may kasayahan dito ah?" Agad kaming napatingin sa babaeng kakapasok lang at sa mga kasama nito .
"Shia?"
"Chandria?"
"Zach?"
"Ow this is getting more interesting." Sabi ni Chrismel habang nakataas ang dalawang kamay .
"Shia..."
"Lucas..."
"Woooohhh ang init dito! Tara labas muna tayo?" Sigaw ni Freak .
"Hi guys? You're new here ? Tara let's get to know each other hahahaha" Sabi ni Kira at saka hinila yung mga kasama nila Shia .
"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Zachareel.
"I need to explain."
Agad niyang ikinuwento ang lahat . Sabi niya ay napagutusan lang siya ni Sr. Dayson na gumanti sa dad ko at sa akin niya sisimulan . Hmm .
"Kahit ang kapatid kong si Penumbra ay nanganib ang buhay dahil sa inutusan ako ng anak ni Draco na si Rafael upang maipaghiganti ang pag pili ni Shia kay Penumbra ."
"Kahit kailan talaga! Ang sama talaga ng lalaking yun!" Nangigigil na sabi ni Shia .
So , may iba na pala talaga siyang mahal .
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Chrismel ang kamay ko .
Ramdam ko na napatingin si Zachareel sa ginawa ni Chrismel . Agad ko siyang tinignan ngunit umiwas siya ng tingin .
"Si Demonsaint , si Rafael at si Draco ang naglagay ng virus sa LLDO." Pagkasabi niya nito ay nagpaalam siya na lalabas muna .
Zachareel's pov
Ang sakit pala makita na may iba ng mahal yung taong mahal mo . Nandito ako sa terrace ng tree house , nagpapahangin , sinusubukang pawiin ang sakit na aking nararamdaman .
"Hoy bakit ka nandito?" Nakangiting tanong ni GM Winter.
"Nagpapahangin lang." Sabi ko saka tumingin sa malayo .
"Tignan mo iyon!" Sigaw ni GM Winter sabay turo sa kulay dugo na langit . "Alam mo ba kung ano iyon?"
Umiling ako at seryosong tumingin sa kanya .
"Namimiss ko na si Mama , si Papa , at yung baby namin. Doon sa 100th floor , lahat ng makakapunta doon ay may pag-asang makaligtas dito ." Sabi niya habang nakatingin sa mukhang buwan na nasa kalangitan .
"Gusto kong mabuhay , gusto ko silang makita ulit."
"Kaya natin 'to ." Nakangiting sabi ko.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagasa dahil sa mga sinabi niya .
Ama , kung sakali man na makaligtas kami ni Penumbra , pangako uuwi na kami diyan sa Magic World .
-------
Sorry guys! Naging magulo yung story na kahit ako'y naguguluhan din ! Sana suportahan niyo parin po ito! Salamat! Vomment! :)
BINABASA MO ANG
Legends League Delta Online [ONGOING]
AdventureLEGENDS LEAGUE DELTA ONLINE Ito ay istorya ng pag-ibig at pagsubok . Taong 2345 , ng i-release ng Damsell Maiden Corp. sa Northern Alpha ang isang VRMMORPG , ang LLDO o ang Legends League Delta Online . Hindi alam ni Crimson Damsell , anak ng presi...