Chapter 38

242 21 1
                                    




Gabb's POV



Nagising ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa akin . Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko . Inilibot ko ang mga mata ko . Parang nasa loob ako ng isang lumang parking lot . Tinignan ko yung pinanggalingan ng tubig na bumuhos sakin . May timba na nakasabit sa kisame na may tali na nakadugtong sa kung saan .




Biglang bumukas ang ilaw sa harap ko pero malayo iyon sa akin. Nakita ko ang isang babaeng nakayuko na nakagapos ang kamay at paa sa upuan . Kylie!




Tatakbo na sana ako ngunit hindi ako makagalaw . Kahit pala ako'y nakatali din sa aking upuan .




Isa-isa pang nagbukasan ang mga ilaw sa paligid nung babae may anim na taong nakatalikod sa akin ang isa isang nag harapan .




Lahat sila'y mukhang pamilyar sakin .




Isa-isa nilang isinuot ang mga hawak nilang helmet . It's a dimension splitter!




"Booo !" Nagulat ako dahil sa sigaw ng isang tao sa tabi ko . Sa aking palagay , nasa 4'5 ang tangkad niya na may balingkinitang katawan . Napapikit nalang ako at pinilit isipin kung saan ko siyang nakita .




"Lil-"




"Die now kuya!" Agad niyang isinuot sa akin ang isang dimension splitter .





"Kuya Darkknight! Buhay ka!" Sigaw ng isang maliit na bagay na may matinis na boses .



"A-Aluminanight?" Panaginip lang ba ang lahat?



"Kuya na-comatose ka dahil sa matinding impact ng pagtama ng katawan mo nung sumabog ang system. Buti nalang at gumana na ang buff ko at nakapag-buff ako ng regen ng mabilis kundi-"




"Nasaan ang iba?"



"Basahin mo ung notification mo ... Kasalukuyan kang hinahanap ng lahat ng players . Isa ka na sa mga quest kuya at kailangan mong lumaban sa kanila para mabuhay ." Damn .




Agad kong tinignan ang status ko .




Darkknight
Level 157
Hp 10000000
Mp 1000000
Sp 1000000

Stats (Max)

Item drops : All Legendary Kaya naman pala .




"Kuya mag handa ka . May paparating na Angel Class. Nasa sampu sila , tingin ko isang guild sila ."



"Buff."




Agad akong naghanda , nagbuff na din ako para dagdag damage at regen maliban sa buff ni Aluminanight .




Unti-unting nagbukas ang dalawang higanteng pinto . Nasilaw ako dahil sa liwanag na pumasok kasabay ng mga Angel Class . Pumikit ako at nakiramdam . Dumilat ako ng unti-unti nang nagsara ang mga pinto .





Nakaramdam ako ng isang player na nagblink sa likod ko .




"Yaaaaahhhhh!!!" Agad kong pinangsalag ang espada ko . Isang babaeng player. Tinulak ko siya palayo ng makaramdam ulit ako ng isa pang player na pasugod sa akin .




Tumakbo ako palayo sa kanila at mabilis kong inactivate yung wings ko .




Lumipad ako sa taas at pinagmasadan ang lahat . Lahat sila'y max levels na samantalang ako'y hindi pa .




'Poseidon's Wrath!'



Agad akong nagcast ng skill and from somewhere , isang malaking tsunami ang tumangay sa ibang members ng guild na iyon .




"Kuya sa likod mo!"




Agad akong nagblink palayo sa pwesto ko kanina .



Nakita ko yung pangalawang player na nagblink sa likod ko.



"Shi-Shia??? No way."



"Mamamatay ka na !!!!" Lumipad siya patungo sa direksiyon ko . "Haaaaaaaaaahhh!!"



Pinilit kong iwasan ang mga tira niya .




"Searing arrows!!!" Nagpaulan siya ng mga palaso na nababalot ng yelo na may 25% stun effect sa direksiyon ko .




"Shia! Wait ! Anong nangyayare ?!" Agad akong nagblink sa likod niya at hinawakan siya sa dalawang balikat niya . Tinadyakan ko ang hawak niyang weapon at nahulog ito sa tubig .




Humagulgol ng iyak si Shia na mas ikinabahala ko .


"Ki-kinokontrol niya k-kame Crimson . Ma-mas gusto ko pang mamatay." Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niya akong sinipa at tuluyan siyang nahulog sa malalim na dagat na ako mismo ang gumawa .





'Clearing Battlefield'



Nawala na ang skill ko sa kwarto na yun . Maging ang mga katawan ng mga guild members at ni Shia ay naglaho na din .






Patawarin mo ako Shia .




"Kuya... May isa pang guild ang paparating dito..." Malungkot na sabi ni Aluminanight . "...At sa tingin ko hindi mo sila kakayaning talunin ."

Legends League Delta Online [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon