Arghhh! Kainis naman! Kung kailan pa ako pauwi, saka pa tumirik ang kotse ko. Tsk! Ilang beses ko na ring tinawagan si Edward pero hindi man lang sumagot.
The number you have dialed is out of coverage area please try your call later.
Kamuntikan ko ng maihagis dito sa daan ang cellphone ko sa sobrang inis.
Panigurado nasa kabit pa ang lalaking yun! Minsan naisip ko, binigyan ko ba ng chance si Edward na magmahal ng iba? Kasi hanggang ngayon di ko pa naiintindihan kong bakit nya ito ginawa.*Beeeeep!*
Nagitla ako nung marinig ko ang busina ng isang kotse. Kilala ko ang may ari nito at nakahinga naman ako ng maluwag.
"Nikko!"
"Mayang? What happened?"
"Tumirik ang bwisit na kotse na to." Sabi ko sabay tadyak sa gulong.
"Mainit na naman ang ulo mo. Hay naku, hatid na kita. Ipaayos natin yan."
Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ni Nikko.
Bago man niya ako inihatid, dumaan na muna kami sa CARCARE para ipaayos ang kotse ko at sila na daw ang bahala na kumuha dun sa lugar na iniwanan ko medyo malapit lang din naman eh."You know what, it really feels like , ibang Mayang ang nasa kotse ko ngayon, may problema ba?. " he said while his eyes are on the road.
"Napapansim mo pala? "
"The what?" He looked at me for a second then placed his eyes again on the road.
"The something different of me." Sabi ko rin habang nakatingin sa daan.
"Oo. Araw-araw kaya kitang nakakasama at ara-araw ring naglalaho ang palangiti na Mayang. Ano ba kasi ang problema mo? Husband?"
Tumango ako at hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Ganun na talaga kasakit.
"Bakit hindi mo siya i-confronta? Baka malaman pa yan ng mga anak mo."sabi niya.
"Maureen knows about it. And it really breaks my heart how much she hates her father. Alam mo namang ayoko ng ganun. Pano pa kaya kung si JD na ang makakaalam? " Humikbi na ako ng malakas at inabotan naman niya ako ng panyo.
"Iiyak mo lang yan. Alam mo? Gusto kong pagsuntukin yang si Ed e. Pinigilan ko lang ang sarili ko."
May galit na sabi niya. Naging sandalan ko na sa mga problema ko si Nikko kaya alam ko na nasasaktan din siya para sakin.Nginitian ko lang sya sa kabila ng lungkot ng nararamdaman ko.
At dahil sa pagod at stress di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Tapos dun ko lang napatanto na nasa tapat ng bahay na kami nang gisingin ako ni Nikko."Mayang. Nandito na tayo."bulong ni Nikko sa akin.
"Sorry nakatulog tuloy ako." Pagpaumanhin ko sa kanya.
"Ok lang yun." Tapos bumaba na kami at saktong baba namin sa kotse ay syang paglabas ni Edward mula sa bahay. Sa porma nya, aalis ito.
"Saan ka pupunta? " medyo mag pagkainis na tanong ko.
Tumingin sya kay Nikko bago sinagot ang tanong ko."May pupuntahan lang saglit. Ba't hindi mo dala ang kotse mo?"
"Nasiraan ako. At saan ka naman pupunta?" Pagiintriga ko. Napansin ko ang pagkukuyom ng nga kamao ni Nikko. Kaya tinapik ko sya.
"Ganun ba? Pumasok ka na hindi naman ako magtatagal." Sabi niya at umalis na sa harap namin.
Napapikit ako sa sobrang sakit. At hindi ko naman pala namalayan na may luha na pala sa mukha ko. Doon ko lang napansin nung pinunasan ito ni Nikko.
BINABASA MO ANG
Chances To Say I Still Love You #wattys2019
RomanceThis story is the sequel of YOU GOT ME. ---- Most Impressive Rank #1 in loveyou #4 in iloveyou #76 in broken #121 in romcom #535 in teenfiction #513 in humor #335 in lovestory #317 in tagalog