Mayang's pov
Matapos naming malibot ang kasuloksulokan ng resot nato, kumain na muna kami kasi pagabi na at isa pa gutom na gutom na kami. Sa sobrang laki ba ng linibot namin.
"Paano mo pala nalaman ang lugar na to Nikko? "
Tanong ko sa kanya. Kasi kahit ako, hindi ko alam to."When mom used to visit me, dito ko sya dinadala."
"Ah, ganon ba? Siguro favorite place nyo to. "
"Uhuh, dalawang tao palang ang dinala ko dito at ang mga pinakamamahal ko lang. "
He looked at me then I blushed. Kakahiya naman, kaya umiwas agad ako ng tingin. Naiilangan kasi ako sa mga salitang binibitawan ni Nikko at yung pagiging serious nya ngayon.
Sinasanay ko naman ang sarili ko but, hindi talaga mawala e. Napakaswerte siguro ng mapapangasawa niya at hindi yun ako."I see." matipid na sagot ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan.
" I want to make you happy Mayang. Make you feel that you are loved and beyond blessed at alam ko mahirap ibigay yan kung sa puso mo siya parin ang laman nito. Maghihintay ako sa'yo kung kailan ka na ready at kung kailan meron na akong special place sa loob nito." tinuro niya ang puso ko.
"Gagawin ko ang lahat Mayang tandaan mo yan. Kahit buhay ko ibibigay ko sa'yo. Ganyan kita kamahal." napabuntong hininga siya at napayuko. Ilang sandali ay tumingin ulit ito sa akin.
"Tandaan mo yan Mayang." I smiled despite of the guilt inside me. Sana nga si Nikko nalang. Hindi ko talaga maiwasang maging malungkot para sa kanya.
"I will try my best Nikko." ipinatong ko ang kamay ko sa nakahawak niyang kamay saakin at ngumiting may paninigurado. Susubukan ko. Wala naman sigurong mawawala diba?
Tapos, nagpatuloy na kami sa pagkain. Matapos naming mag haponan, kumuha na kami ng kwarto, actually dalawang kwarto ang kinuha namin. Because we don't share in one bed. Ayoko muna. Ayaw rin nya. Yan ang kinabibilib ko sa kanya kasi sobra niya akong nirerespeto. Ganyan naman si Edward e, kaya lang, haaist. Never mind. Sumikip na naman ang dibdib ko sa tuwing na alala ko si Edward. There's a couple of times na bibiglang sisikip lang ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit.
Inabot niya sa kin ang susi ng kwarto ko.
"This is your room key, doon lang ako sa kabila ok? "
Bilin ni Nikko sa akin."Ok. " then he kissed my forehead bago sya pumasok sa kwarto niya.
Minsan nakikita ko si Edward kay Nikko. Kung gaano ka sweet si Nikko sa akin gayun din si Edward noon. NOON.Hay. Si Edward na naman. Nakakamiss lang kasi ang dating kami.
Edward's pov
Dumeretso agad ako sa kwarto nya. Ilang beses akong kumatok bago nya ako pinagbuksan.
"Ed. Pasok ka." Hindi ako tumingin sa kanya at dumeretso ako sa couch at umupo. Huminga ako ng malalim.
"Anong gusto mo, wine or juice? "
"Wine. "
Tapos kumuha sya ng wine at dalawang baso sa maliit na kusina at bumalik agad sya sa akin.
"Hindi ko naman sana gustong guluhin kayo Ed kaya lang, naaawa na ako sa bata. Lagi niyang hinahanp ang mommy niya. "
Tumingin sya sa akin ng mataman habang umiinom sya ng kaunti sa inumin niya."Wala namang problema yan. Ok lang sa akin na ibigay sya sayo kaya lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya Paulo. Masyadong praning si Heaven. "
Hindi ko naman kasi inakala na may anak na pala si Heaven at iniwan lang nya kay Paulo na syang tunay na ama nito. Two years old na ang anak nila, babae ito at ang hutsura ay pinaghalong Heaven at Paulo. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit iniwan nya ang dalawa. Sa pagkakaalam ko, hindi alam ng mga magulang nya na nabuntis pala sya ng kaibigan nya sa kolehiyo which is patay na patay sa kanya. Mabuti nalang talaga ay lumapit itong si Paulo sa akin kaya lagi akong ginagabi umuwi kasi nakikipagkita ako sa kanya."Yun nga ang problema ko. I tried to reach her pero umiiwas sya. Samantha is always mentioning her name. Kung kailan daw babalik ang mommy nya." Malungkot na sabi ni Paulo tapos lumingon sya sa kama na doon naka higa ang dalawang taon na batang babae at mahimbing itong natutulog.
Makikipagsundo sana ako sa kanya kaya pumunta ako dito kaya lang sumama pa talaga si Heaven. Si Paulo yung kausap ko sa cellphone. Nagkita kami ni Paulo mismo sa opisina. Sinabi niya sa akin ang lahat kasi masyado na syang nahihirapan lalo na ang anak nila na minu-minutong hinahanap ang mommy nya."I'll help you. Mag fi-file ako ng divorce paper. Gusto ko narin sanang bumalik sa pamilya ko. "
"Pero Edward, wag naman sana nating biglain si Heaven. Baka ano pang gawin niya sa atin at sa dati mong asawa. Kilala ko si Heaven. Hindi yan umuurong at hindi yu nagpapatalo. "
Nag alalang sabi niya sa akin. Inubos ko muna ang inumin ko bago nagsalita."Hindi ko naman sya papayagan na gagawa ng masama. Babantayan ko sya ng maigi. Ang gagawin natin ngayon ay magtutulungan. Ayoko rin naman lumaki ang anak nyo ng walang ina."
"Salamat Edward. "
Tinapik nya ako sa balikat at nag buntong hininga nalang ako.I have to fix everything kasi marami na ang nadadamay at masyado ng magulo ang buhay namin bawat isa. Namumuhay lang naman kami ng payapa nuon dumating pa talaga 'to.
*****
Pahopia muna. Hindi pa pala MayVen scene ito. Haha nakalimutan ko. Pero neweys, kunting pasilip lang ito sa magaganap da loob ng Westland Resort.
Note : gawagawa ko lang po ang resort na to. Hahaha.Ok, enjoy na muna. Labyu.
-awtor
BINABASA MO ANG
Chances To Say I Still Love You #wattys2019
RomanceThis story is the sequel of YOU GOT ME. ---- Most Impressive Rank #1 in loveyou #4 in iloveyou #76 in broken #121 in romcom #535 in teenfiction #513 in humor #335 in lovestory #317 in tagalog