MAYANG ENTRATA
Nagising ako sa pagkabigla nang may bumuhos ng malamig na tubig sa akin. Nakatali at nakaupo sa silya parin ako ngayon at nakaharap sa mga lalaking nakakulay itim na t-shirt. Nasa maliit na medyo madilim na kwarto ako at isang ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa mukha niya. Yung iba hindi ko na maaninag ang mga mukha nito.
"Gising ka na pala. Akala ko kasi tulog-tulugan mo lang ako."nakangising sabi niya sa akin while sitting on the chair in front of me crosses both arms and legs. Napakuyom ang kamao ko sa galit.
"What do you want Heaven?" Yeah it's her. Sino pa ba ang gagawa nito maliban sa kanya? Siya lang naman ang may malaking galit sa akin.
Mas lalo siyang ngumisi pero napalitan agad ito ng galit. " Marami." tumayo siya at naglakad palapit sa akin. She rested her both hands in the arm rest of the chair and bowed a little bit to level me.
"Una sa lahat, inagaw mo sa akin si Edward. Pangalawa, nang dahil sa'yo hindi ako magawang mahalin ni Edward. Pangatlo, matapos malaman kong nagfile ng annulment si Edward sa akin, doon ko nalalaman na peke pala ang kasal namin. Akalain mo, hanggang nagyon, kasal parin kayo?"galit na sabi niya. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Did I heard it right?
"What do you mean by peke ang kasal nyo?" naguguluhang tanong ko pagkatapos ay umalis siya sa pagkaharap ko at tumalikod ito.
"Niloko ako ng mama ni Edward." pabulong na sabi nito. Basi sa tono ng boses niya, nasasaktan ito at pinigilang 'wag umiyak. Sana ilabas niya lahat ng luhang meron siya ngayon pero masyadong ma pride si Heaven. Malamang, ayaw niyang nakikita ko siyang nasasaktan at nagiging talunan. Pero sa akin lang, hindi naman niya ito laban. Sana ipaglaban nya ang anak niya. Yun ang totoong laban niya. Nagiging kontrabida lang siya sa buhay ng iba ngayon sa pinaggagawa niya. Hindi ko rin alam kung may mga tao bang nagbibigay advice sa kanya o mga taong nakakausap niya ng masinsinan. Kasi sa kalagayan niya, nanghihingi lang ito ng atensyon, ng lugar at halaga sa buhay, o taong magmamahal sa kanya at nakakaintindi sa kanya. Kahit ipilit pa niya, hindi si Edward ang taong yun.
"Alam mo ba? Kahit anong gawin ko nagiging talunan ako? Kay daddy, lalo na kay Edward." muli itong humarap sa akin at sa ngayon may mga luhang nangingiligid sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin at sabihing 'Okay lang yan. Ilabas mo lang lahat. Iiyak mo lang yan.' pero hindi ko magawa. Nakatali ako at isa pa hinding-hindi niya ako hahayaan na gagawin ko yun sa kanya lalo na't isa ako sa mga rason kung bakit nagkaganyan siya.
Naaawang nakatingin ako sa kanya, " Lahat ginawa ko mahalin lang ako ng mga lalaking minahal ko ng lubusan. Pero anong ginawa nila sa akin? Hindi nila ako pinahahalagahan. Mas mahal nila ang una at lagi lang akong pangalawa. Kay daddy, mas mahal pa niya ang unang anak na babae kesa sa akin..." patuloy niya. May kapatid siyang babae? Kasi ang pagkakaalam ko e, only daughter lang siya. Mataman akong nakinig sa kanya.
"Kay Edward, na hanggang ngayon ikaw parin ang mahal niya. Alam mo ba Mayang? Araw-araw niyang pinaramdam sa akin na wala akong lugar sa puso niya." Yumuko sya at nakita ko ang pagdaloy ng mga luha sa namumulang pisngi at napakalungkot na mga labi niya.
"Kinain ako ng ingit at insecurities. Hindi ko na alam kung paano maawa, magpatawad, magpakumbaba, magmahal at rumespeto. Galit lang ang bumubuo sa pagkatao ko ngayon. Kaya hindi mo ako masisisi kung gagawin ko ito..." hikbi niya at biglang may pumasok sa silid na mga lalaki at hilahila ang isang dalaga.
"Mommy.."
-----
Maureen's pov
"Maureen!Anak!" tili ni mommy nang hilahin ako ni tita Heaven ng marahas papunta sa kinaroroonan ni mommy. I was kneeling down with my uniform in front of my mother and with my hands tied at my back. Napaiyak ako ng makaharap ko na si mommy. Wala siyang nagawa kasi pareho kaming nakatali. She looked at me selflessly like she doesn't want me to get involved with this mess.
"You can have me Heaven, please. Not my daughter."she looked at tita heaven and pleaded for mercy. Nanatili akong tahimik at tanging mga luha ko lamang ang nangungusap ngayon.
Napapikit ako ng makaramdam ako ng sakit nang hinila ni tita Heaven ang iilang buhok ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit. Kulang nalang ay mapatayo ako sa sakit.
"Tama na! T-ta-ma n-na!.... *sobs* M-mau..."nagpupumiglas si mommy sa kinauupuan niya. Bigla namang binitawan ni tita ang buhok ko at itinulak ako kinadahilanan para mapasubsob ako sa sahig. Naaawang nakatingin sa akin si mommy. "I'm sorry. Patawarin mo si mommy."
I shook my head. "It's not your fault mom. "
"Tama na ang drama!"sigaw ni tita. "Dave!" tawag niya. May lumapit naman na isang lalaki. Tantsa ko nasa mid 30s ang edad nito.
"Ikulong mo siya sa kabilang kwarto! Nasusuka ako sa kadramahan ng mag-inang 'to!"agad namang sumunod sa utos ang tauhan nito na si Dave. Hinila ako para mapatayo at walang awang itinulak-tulak palabas sa kwartong yun. Huli kong narinig ang hikbi, pagmamakaawa at sigaw ni mama bago ako tuluyang mailabas sa kwartong yun at dinala sa kabilang kwarto, napakadilim at tahimik.
BINABASA MO ANG
Chances To Say I Still Love You #wattys2019
RomansaThis story is the sequel of YOU GOT ME. ---- Most Impressive Rank #1 in loveyou #4 in iloveyou #76 in broken #121 in romcom #535 in teenfiction #513 in humor #335 in lovestory #317 in tagalog