Kabanata VIII

913 51 19
                                    

Edward's pov

"Ano ba Edward!  Habang buhay ka lang bang maglalasing dyan?  Bumangon ka na baka matadyakan kita dyan e!"

Singhal ng kapatid kong si ate Laura. 
Ayan na naman ang "act like a mother" ko na ate.  Tsssk.

Dinampot ko yung unan at itinakip sa mukha ko.  Kainis!  Ano ba kasi ang ginawa niya dito sa bahay!

"Nakakamiss!  Napakatahimik ng bahay,  hindi ako sanay ng ganito ang bahay nato!"
Dagdag pa nito habang  pinupulot niya ang mga kalat sa sahig at pati narin ang mga damit ko.  Pinakinggan ko lang sya at tanging mga yabag at malalim na hininga lang ang naririnig ko mula sa kanya.

"Kumusta na kaya sina Mayang? " tanong niya at umupo sa couch. 
Napabangon ako sa sinabi nya.  How long na nga ba since we parted our ways? 
5 months and a half. 
Yeah.  I missed her a lot.  Wala na akong natatanggap na balita sa kanya.  Ayon naman kay Marco umalis na naman sila sa subdivision nila.  Ayaw na talagang mag paabot ni Mayang sa akin. 

Kumusta kami ni Heaven?  Ito ikakasal na kung sakaling dumating na ang divorce paper.  Kaya lang di ako sigurado sa gagawin ko.  Ayaw ni Mama at Papa sa kanya. 

"Hoy! " nagulat ako sa ginawa nya.  May itinapon syang brown envelop sa harap ko tapos tumama ito sa mukha ko bago ito napadpad sa sahig.  Nagtatakang dinampot ko ito.

"Ano to? "
Tanong ko sa kanya ng may pagtataka.

"Ewan.  Buksan mo nalang baka importante yan."
Sagot nya. 
Binuksan ko nalang ang envelop na yun at tiningnan kung ano ang laman nito.
Isang papel.

"Ano yan? " pag-iintriga nya.   Tapos kinuha niya ito mula sa mga kamay ko. 

"She signed it. " biglang nalungkot ang tono ng boses nya. 
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang hawak nyang papel. 

"Mayang signed the divorce paper.  Ayan!  Pwede kanang magpakasal.  " malungkot na may pagkainis na sabi nya tapos tinapon niya ulit sa mukha ko ang papel at nagmamadaling tumalikod at lumabas ng bahay. 
Umalis itong inis na inis. 

Tapos inilipat ko ang tingin sa papel. 
She signed it.  Alam ko na nuon,  gusto ko to pero nalungkot ako sa kabila ng lahat. 

Mayang's pov

And don't know why I signed it. But i know,  yun ang dapat.  Ayoko namang saktan pa ang sarili ko.  Pagod na pagod na akong umiyak at ayoko na ring ipagsiksikan ang sarili kay Edward.  Hindi na nya ako mahal.  Malamang hindi nya ako minahal. 
Naawa na ako sa mga anak ko.  Sila yung naapektohan.

"Stop thinking about it Mayang.  Hayaan mo syang sampalin ng karma at marealize nya ang mga pinaggagawa nya.  Be an independent woman. "
Sabi ni Elise sa akin. We were one screen away to each other.  And I'm lucky for it. Tapos humarap ako sa kanya,  sa SCREEN ng laptop ko.

"Pinermahan ko na ang divorce paper.  Pinadala ko na.  I'm sure they're both happy.  Kaya ko naman mag-isa pero paano yung mga anak ko? "

"Ano bang gusto nila?  Bumalik? "

"Hindi ko alam.  Galit na galit sila sa ama nila. "

"Exactly!  Sino ba naman ang hindi magalit? Sa ginawa ba ng ama nila, hindj yon kapatawad tawad. " singhal nito. Napayuko ako at nanahimik saglit.  Tapos biglang may uminterupt sa usapan namin,  yung anak ni Elise. 
Natawa naman ako habang pinapanuod silang dalawa sa screen na nagkukulitan.

"I have to go mommy. "rinig ko sabi ng anak niya. 

"Bye.  Take care. " tapos hinalikan nya ito sa noo.

I had to start all over again.  Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na wala si Edward.  I need to be strong for my children and for myself as well. Masyado ng wasak ang sarili ko at hindi ko hahayaang pati mga anak ko mawawasak. Hindi ko man naisalba ang marriage ko, at least mga anak ko maisalba ko man lang. 

Hanggang dito nalang tayo Edward. Hanggang dito na lang ba talaga tayo? Hindi ko mapigilan maalala ang mga nangyari sa amin noon. Si Edward yung tipong hindi ko type noong high school ako kasi nga si Marco ang gusto ko but hindi ko alam kung bakit nagdivert ito kay Edward. 

Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang masasayang araw namin bilang mag-asawa. Bawat halakhak at bangayan namin at naaalala ko at sa tuwing naaalala ko ito, kirot sa puso kaagad ang kasunod nito. Hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili ko, Bakit ngayon pa? Kung kailan malalaki na ang mga anak namin at matagal na kaming kinasal. Bakit ngayon pa? Kung kailan minahal ko na siya ng lubusan? At kailan pa siya na ang buhay ko.

Am I deserved being betrayed? 

Napaluha ako't napasandal sa sandalan ng upuan. Kahit gaano kasakit kakayanin ko. Kahit gaano katagal makalimutan ang lahat, titiisin ko. Maging maayos lang ang lahat. 

Tandaan mo yan Edward. 

*****

Peace po.  Uso ngayon ang short update,  hehehe. 
Babawi na talaga ako sa next chapter. 

Maraming salamat po.

Ps.  I will publish my update this saturday.  Ok po ba?  Baka 2 chapters every saturday para hindi ko kayo mahohopia.  Hehehe. 

Xoxo.
-author.

Chances To Say I Still Love You #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon