Kabanata XXVI

562 28 4
                                    


Ilang araw na kaming nandito sa bahay ng parents ni Edward kasi requested ito lalo ng mama niya. Gusto raw nila kasing bumawi sa lahat nagpagkukulang nila lalo na si Edward. Hinayaan ko naman siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Ayoko rin namang maging madamot at magmatigas pa kasi wala namang kahahantungan kung ganyan ang pakikitungo ko sa kanya. I already drawn a decision na bigyan ng huling pagkakataon si Edward para itama ang lahat kahit alam naming dalawa na mahirap na itama. At least itra-ty namin. Baka sakaling magwork-out diba?

Ayan na naman ako raising my hopes. Hay. 

"Gising ka pa ata iha." nagitla ako ng biglang sumulpot si Mama sa bandang likuran ko habang nasa malalim na pag-iisip ako. 

"Ah, opo. Hindi kasi ako makatulog e." napakamot ako sa ulo ko. Kanina pa kasi ako nandito sa balcony kasi hindi ako makatulog. Lagi ko kasing naiisip ang sitwasyong meron kami ngayon.

Lumapit ito't tumabi sa akin and then she rested her palms at the top of the wooden balustrades. She lift her head a little bit at tumingin sa mga bituin sa langit. I do the same thing at huminga ng napakalalim na animo'y may malaking kahulugan sa bawat hininga ko saka napapikit. 

" You don't have to worry and think about everything Mayang. Magiging maayos rin ang lahat." sabi niya. 

Tumingin ako kay Mama at ngumiti. " Kaya ko kaya ma? Maayos pa kaya ang lahat?" 

Umayos siya sa pagkakatayo at lumapit na kaunti sa akin tapos hinawakan ang magkabilang balikat ko at sabay sabing,

"Trust me dear. Everything will be fine. Noon pa lang, alam ko na na darating ang panahon ito na magkakayos kayo ng anak ko. Wag kang mag-alala Mayang, hanggang ngayon ikaw parin." makahulugang saad niya sa akin. Alam kung hindi niya kami pababayaan kasi mahal na mahal niya ang pamilya ko. I'm so happy kasi nagtitiwala siya sa amin kahit man ay medyong malabong mangyari ang mga bagay na gusto naming manyari. Akala ko nasa panig siya ni Heaven kasi nga siya ang nagprocess lahat ng mga papel nina Heaven at Edward noong kinasal sila pero na sa akin parin pala. 

"Salamat Ma."yumakap ako sa kanya.

"Anything for you dear. Trust me." she said while assuring me na magiging okay din ang lahat. 

"Sige I'll go ahead." dagdag pa niya. Umalis na ako sa pagkayakap at nagmano muna sa kanya bago ito tuluyang umalis. 

Hays. Kakayanin ko 'to. 

Ilang oras akong nagpapahangin sa balcony at nang nakaramdam ako ng ginaw, pumasok na ako sa loob at nagtungo sa kusina kasi nauuhaw ako. Medyo madilim na ang bawat sulok ng bahay, pero meron namang lampshades, kasi tulog na ang lahat. 

"Fuck!" napasigaw ako dahil sa gulat nang bumalandra si Edward sa may likuran ko.

"Papatayin mo ba ako sa takot?" inis kong sabi. 

"Sorry. I didn't mean to startle you. Are you okay?" nag-alalang tanong niya at akmang hahawakan ako kaya lang umiwas agad ako. 

"I'm fine." 

Tapos nakapeywang ako na humarap sa kanya. 

"Bakit gising ka pa?"tanong ko.

"Di ako makatulog e. Masyadong magulo ang isip ko at saka nauuhaw ako kaya bumaba ako dito."sabi niya pagkatapos ay uminom siya ng tubig.

"E ikaw ba? Ba't gising ka pa?"

"Likewise." tipid kong sagot. Dumaan ang katahimikan namin bago ako nakapagsalita ulit.

"Edward.."mahinang tawag ko sa kanya na nakaupo ngayon sa mesa habang ako ay nakasandal sa cabinet malapit sa sink. Lumingon naman ito sa deriksyon ko.  

"Hmm?" 

Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba sa kanya to o hindi. Pero bahala na. 

"Minahal mo ba talaga ako?" nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko. 

Hindi ito nakasagot agad at nanlungkot naman ako.

Naglakad ito papalapit sa akin at hinawakan ang mga palad ko. 

"Of course. Alam kong marami akong kasalanan sa'yo Mayang pero di ibig sabihin nun na hindi kita minahal. Ano bang klaseng tanong yan? Mahal kita at hanggang nagyon mahal parin kita." nakangiting sabi niya at hinalikan niya ang kamay ko. Nakaramdam naman ako ng pamumula sa pisngi. Tae naman mukha akong teenager nito. 

I smile, "Mahal parin naman kita Edward e, kahit kailan hindi iyon nagbago."

He looked into my eyes, "I love you." he said and he mean it without trying to be funny or sounding corny.

"I love you too." and he held my chin and pressed his soft lips on me. 

________

Hello po! Mind to read my other stories. :) Esp. MY SASSY GIRL

Thank you so much for reading my stories. 

Chances To Say I Still Love You #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon