THIRD PERSONIlang araw ng hindi nalalapitan ni Maureen ang kaibigan nitong si Stephen matapos mangyari ang accidenti ng pamilya nila at dahil narin sa kagustuhan ng mga magulang nito na layuan si Stephen nang malaman nilang may kinalaman ito sa nangyari kahit labag sa kanyang kalooban. Kahit magkaklase lang silang dalawa ay hindi niya ito kinikibo o pinapansin sa tuwing kinakausap siya. Naawa ngunit hindi niya kayang suwayin ang hiling ng kanyang pamilya at alam niyang nasasaktan niya ito. Dumaan ng ilang araw na pag-iiwas sa lalaki, hindi niya nakayanan kaya muli niya itong kinausap ng patago. Walang kaalam-alam ang mga magulang ni Maureen sa pagkikita nilang dalawa."Mommy..." tawag niya kay Mayang na mataman itong nakaharap sa laptop niya habang nakatayo lang siya malapit sa pinto ng mini office ng mga magulang niya." Aalis lang po ako. Nag-anyaya po kasi si Sophia na lumabas." kabadong sabi niya. Tumingin sa gawi niya si Mayang. "Make sure hindi si Stephen ang kasama mo. Malalagot ka sa daddy mo kapag malaman niyang nakikipag-usap ka na naman sa kanya. 'Wag sanang maulit ang nangyari noong nakaraang linggo." paalala nito sa kanya. Nakipagkita kasi siya kay Stephen noong nakaraang linggo at nahuli sila ng kanyang daddy kaya isang linggo itong grounded. Ganun nalang ang galit ng mga magulang niya kina Stephen kahit ilang beses na itong nanghingi ng tawad sa nangyari ngunit hindi kayang kalimutan ni Edward ang lahat. "Opo." yan lang ang nasagot niya. Napabuntong hininga siya nang lumabas sa mula sa kwartong iyon. Kahit anong gawing explain niya sa mga magulang niya ay hindi ito nakikinig.
-
"I told you for hundred times na layuan mo ang lalaking yan! ANG TITIGAS NG ULO MO MAUREEN!" galit na sabi ni Edward habang kinaladkad palabas ng resto si Maureen matapos madatnan niyang kausap nito ang kinamumunhian niyang lalaki na si Stephen. " Dad! You're hurting m-me!" naiiyak na sabi niya habang sinubukan niyang tanggalin ang pagkahawak nito. " Sir.. Nasasaktan na po si Mureen!" pigil ni Stephen kay Edward. Pero mabilis siya nitong itinakwil."KUNG SANA LAYUAN MO LANG ANG ANAK KO, HINDING-HINDI SIYA MASASAKTAN NG GANITO!" hinarap ni Edward si Stephen at agad ring tinalikuran ito. "I'm sorry.." huling salit ni Maureen bago ito tuluyang ipinasok sa kotse ng daddy niya. Walang nagawa si Stephen dahil wala rin siyang karapatan para makialam sa desisyon ng mga magulang nito. Ang gusto lang niyang gawin ngayon ay gawin ang tama at itama ang lahat. Dahil silang dalawa ni Maureen ang naiipit sa nagawa niya at determinado siyang ipaglaban ang nararamdaman niya sa dalaga.
*pak!* "Hindi mo ba talaga magawa ang hiling namin sayo't nagawa mo kaming lokohin? Baka nakalimutan mong siya ang may kagagawan kung bakit napalapit sa panganib ang buhay mo noon?" galit na sabi ni Mayang kay Maureen."Baka nakalimutan mo rin mommy, si Stephen ang tumulong sa atin makatakas noon?"matapang niyang sagot habang nakahawak sa pisngi niyang nasampal. Aakmang sasampalin siya uli ni Mayang ng magsalita muli siya. " Ano ba ang kailangan niyang ipatunay sa inyo na malinis ang intensyon niya sa akin at pinagsisisihan niya ang nagawa niya noon? Ganyan na ba katigas ang puso niyo't di niyo siya kayang patawarin? Wala ka ng pinagkaiba ni tita Heaven!" Isang sampal na naman ang dumapo sa namumulang pisngi nito. Matapos siyang masampal, tinalikuran niya ang mama nito.
———————————-
Hello everyone! Thank you so much for taking time reading my stories. I hope you like it even 50%. And also, I hope you will read my other stories and my new stories, especially 10 Day Before I Meet God. I would be glad . 😭😊 again, thank you thank you thank you.
BINABASA MO ANG
Chances To Say I Still Love You #wattys2019
RomansaThis story is the sequel of YOU GOT ME. ---- Most Impressive Rank #1 in loveyou #4 in iloveyou #76 in broken #121 in romcom #535 in teenfiction #513 in humor #335 in lovestory #317 in tagalog