Kabanata XXXI

503 31 0
                                    

EDWARD

Mabilis nakarating si mama sa bahay matapos kong sabihin sa kanya ang nangyayaring pagkawala ni Mayang at sa anak kung si Maureen. Ilang araw na huli kong makita si Maureen at natanaw ang cctv sa parking lot ng school nila. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung saan sila tinatago ni Heaven. Sinubukan ko ring kausapin si Heaven pero hindi ko ito nahahagilap.

"See? Pati mag-ina mo nasa panganib sa kagagawan mo. Kung sana hindi mo nalang hinayaang makapasok sa buhay mo ang babaeng ýon, hindi sana kayo magkakaganito. My God Edward. Baliw na ata ang babaeng 'yon. Like mother like daughter nga!"singhal ni mama. Nakaupo lang ako sa sofa katabi si JD at ate Laura samantalang si Mama ay palakad-lakad sa harapan namin. 

Napahilot ako sa noo ko habang nakikinig lang kay mama.

"Kaya nga hindi ako pumayag na maging parte siya ng pamilya natin. Mabuti nalang talaga ay pineke ko ang kasal nyo!"Napatigil ako at napatingin kay mama na kanina pa hindi mapakali.

"What did you say?"tumigil ito sa tapat ko at hinarap ako. Huminga ito ng malalim bago nagsalita muli.

"Pineke ko ang kasal niyo ni Heaven kasi I always believe that time would come na magkakabalikan kayo ni Mayang which is slowly happening right now. I always believe in your marriage anak at hindi ko hahayaang maging parti siya ng kwento mo."lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko matapos umalis si JD at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. 

"I'm not a stupid mother to let anyone ruin your life na matagal mo ng pinaghihirapan. I remember how you suffered way back for Mayang and I always believe that you really love her. Hindi mo magagawang palitan si Mayang dyan sa puso mo. At sa mga araw na yun, akala mo hindi mo siya mahal. Nabulag at napaikot ka lang ni Heaven. Son, mistakes are ok. We all born with sins, mistakes and failures but that doesn't mean you can't be a better person. I always believe in you. Kaya ko yun nagawa, kasi doon ko lamang magawang tulungan ka. I let you realize that some decisions are bad and you have to learn from it."pinat niya ang magkabilang balikat ko at ilang sandali lamang ay niyakap ako tapos naramdaman ko rin ang paghagod ni ate Laura sa likod ko. Napapikit ako at napaiyak. Tears of a man are rare. Alam namin kung paano masaktan at lahat tinatago namin iyon. Bihira lang ang lalaking umiiyak sa harapan ng ibang tao kasi minsan ma pride kami. 

"I don't know what to say ma, but thank you."umalis ako sa pagkayakap at pinahid ni mama ang mga luha ko. Napayuko ako kasi ayokong makita ni mama kung gaano ako nasasaktan at sobrang pagsisisi sa lahat pero agad niyang inangat ang mukha ko. 

"You're always welcome."sabi nito. Nabuwag naman kami ng biglang kumalabog ang pinto at iniluwa nito si papa. 

"Dad!"sambit ni ate. Lumapit ito sa amin at napansin ko ang babae na nasa likuran lamang niya. 

"Son, this is Jessica. Heaven's sister."napatingin kaming lahat sa babae sa likod ni papa na malungkot ring nakatingin sa amin. 

"Sister?"sabay naming sabi ni mama at ate. 

 ---

MAUREEN

 Nagising ako sa isang mainit at makinis na bagay na gumapang gapang sa mukha kong nakayuko habang nakaupo at nakatali sa silya sa loob ng madilim na silid. Minulat ko ang mga mata ko at isang pigyura ng tao ang nakikita ko agad na tanging ilaw sa labas ng silid lang ang bukod tanging nagbibigay liwanag sa loob. Kahit may kunting liwanag ito hindi ko parin maaninag ang mukha niya. Tapos lumuhod ito sa harapan ko saka yumuko. Nararamdaman ko pa ang mainit at malalim na paghinga nito bago ako nagawang magsalita.

"S-sino ka?"tanong ko ng sinimulan niyang tanggalin ang lubid na nakatali sa paa ko. Pero hindi ito sumagot. Patuloy parin ito sa ginagawa niya at sana tama ang hinala kong pakakawalan niya ako. Hindi narin ako nagsalita pa at hinayaan siyang tanggalin ang mga ito tsaka pati narin ang mga lubid na mahigpit na nakatali sa mga kamay ko.

Nang magtagumpay ito sa ginagawa niya, agad akong tumayo at mabilis tumakbo papuntang pinto para lumabas ngunit naabutan niya ako at napigilan.

"No!"pigil niya. Napalingon ako sa kanya ng may pagtataka. Saktong sa mukha niya tumama ang ilaw na galing sa labas dahil dito ito nakaharap. Napatakip ako sa bibig ko gamit ang dalawa kong palad. 

"S-stephen?"di makapaniwalang banggit ko sa pangalan niya. Agad ko siyang niyakap. 

"How?"tanong ko nang makaalis ako sa yakap nito. 

"I will explain it to you later. Sa ngayon, tutulungan na muna natin ang mommy mo. 'Wag kang mag-alala paparating narin ang mga pulis dito at ang daddy mo." bulong nito sa akin kasi baka marinig kami sa labas. Kahit naguguluhan pa ako, tumango lang ako at sinundan ang galaw niya. Una siyang lumabas para magmasid kung may tao ba o wala. Nang masiguro niyang walang tao, hinwakan niya ang kamay ko lumabas na kami saka pinuntahan si mama na nasa kabilang kwarto lang. Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon habang tinahak namin ang kwarto at sinilip niya ito bago kami pumasok ng masiguro niyang walang tao na nagbabantay nito. Mabilis lumapit si Stephen sa gawi ni mommy at sinimulang pagtanggalin ang mga lubid habang nagbabantay ako sa may pinto. 

"M-maureen."nasaktan ako ng makita ko siyang nanghihina at puro pasa ang buong katawan nito at tila pinaligoan ng maraming tubig sa sobra basa niya. Inalalayan ni Stephen si miommy na makatayo sa upuan niya at naglakad paupunta sa kinaroroanan ko. 

"Tulungan na kita."alok ko kay Stephen. Pumuwesto ako sa kabilang side ni mommy at inilagay ang braso nito sa leeg ko. 

Ligtas kaming nakalabas sa kwartong iyon at ang inaakala kong makakaligtas na kami ngunit nagkamali lang pala ako. Nang marating namin ang baba, pareho kaming natigilan ni Stephen ng may boses ng babae na tumawag sa pangalan nito.

"What brings you here Stephen?" napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses na yun. I saw tita Heaven with her men standing behind us malapit sa hagdanan papunta sa  ikalawang palapag ng old building kung saan sila nagtatambay. 

Naguguluhang tumingin ako kay Stephen na nakatingin din kay tita Heaven na tila nagmamakaawa. 

"Hindi mo ba bibigayan ng kiss ang tita mo? o isang 'hi'man lang?"napabitaw si Stephen sa paghawak kay mama kinadahilan para mapatumba kami. 

"Anong ibig sabihin nito Stephen?"kahit nahihirapan ako, nagawa ko parin siyang tanongin kasi naguguluhan na ako kung bakit magkakilala sila at kung totoo bang tita niya ito. 

"Anak..."tumingin ako kay mommy tsaka niyakap ako. Binaling ko ang aking tingin kay Stephen at naghintay sa sagot nito at naghintay na titingnan ako pero ni isa wala aking nakuha. 

"Please..."yumuko lang siya habang nakaharap kay tita na papalit sa kanya. Itinayo ko ang sarili ko at si mama. Nanghihina parin si mommy at di niya magawang tumayo mag-isa. 

Galit akong lumapit kay Stephen at hinawakan ang braso niya but he didn't bother to look at me. Tears fell down when he removed my hand and said, "Tita ko siya. At inutusan niya ako para kidnapin ka."I was stoned. He was too honest anad brave para sabihin ang lahat na ito sa akin. Napaatras ako sa sinabi niya at di makapaniwalang nakatingin sa kanya, nababalotan ng takot. 

Chances To Say I Still Love You #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon