Page 1

102K 1.7K 101
                                    

You don't love him

"Hindi ko alam na kayo." Puno ng kabuluhan niyang sabi.

Bahagyang naitagilid ni Adrian ang kanyang ulo dahil sa kaguluhan kung ano nga ba ang ibig sabihin ni Carl.

Tumikhim ako.

"Bakit? Kailangan mo bang malaman?" Balik kong tanong.

Naitikom niya ang kanyang bibig at natahimik.

I took that as an opportunity to divert my attention away from him. My eyes made its way to Adrian who was still in deep thought and his eyes were still on Carl.

"We're friends." Ani Carl.

Hindi ko binalik ang tingin ko sa kanya.

"I choose my friends wisely, Carl." Huli kong sabi bago ako nag desisyong lumakad na palapit kay Adrian.

I placed a smile and stood in front of him.

Nakuha 'non ang atensyon niya kaya sumilay rin ang ngiti sa kanyang labi. Napanguso ako at ngumiti muli dahil sa ka-inosentihang tinataglay minsan ni Adrian.

Who would have thought that Adrian Montgomery is devious but innocent at the same time.

Ironic, I know.

"Nag a-away ba kayo?" Tanong niya.

Bahagya akong napalingon kay Carl at nakitang tinatahak na din niya ang daan palapit sa amin.

Muli kong binaling ang tingin kay Adrian at maagap na umiling.

"Of course not."

Kahit mukhang hindi pa siya naniniwala ay wala siyang nagawa kung hindi ang tumango.

"Okay, whatever you say. Anyways, thank you for coming. This means a lot to me, Kath. You know that." Aniya.

Nilahad niya ang kanyang braso sa akin at walang alinlangan ko naman 'yong tinanggap. Matamis akong ngumiti sa kanya bago ko siya sinamaan ng tingin.

"'Wag mong kalimutan ang usapan natin, Ad. I don't need your thank you, I need you to keep your promise."

Iminuwestra niya ako papasok ng bahay nila at sumunod din si Carl mula sa aming likuran.

Isang halakhak ang kumawala kay Adrian at napailing iling habang inaalalayan ako papasok ng bahay nila. Wala akong nagawa kung hindi ang samaan nalamang siya ng tingin dahil mukhang hindi niya nakukuha kung gaano kaseryoso 'to.

This is very serious for me.

It's my mom we're talking about.

"Smile, Kath. Look at me using your lovely eyes. We have a family's wish to fulfill." Mahina niyang bulong sa akin.

I sighed and stood straight.

Taas noo akong nag lakad sa gilid ni Adrian habang tinatahak ang papunta sa kanilang kusina. Hindi ko na kailangan suriin ang bahay nila dahil hindi naman ako bago dito.

It's actually very familiar to me.

We're childhood friends after all.

Mula sa aming pag pasok sa kanilang kusina ay rinig ko na ang ingay ng kanyang pamilya. Mula sa galaw ng mga kubyertos at sa mga usapang nag halo-halo dahil sabay sabay silang nag sasalita.

It was once my dream to have a family like this.

Was.

Once.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon