Page 2

66.4K 1.4K 171
                                    

Bestfriend

"Bumalik ka na ba sa bahay ng papa mo? Ilang taon na 'rin ang nakalipas mula noong umalis ka sa bahay niyo hindi ba?" Tanong ni Tito Theodore.

Natigil ako sa pagkain at nag-angat ng tingin. May kung anong pag-kirot akong naramdaman sa puso ko pero sinigurado kong hindi nila makikita 'yon. Hindi ako makakapayag na may makakita ng totoo kong nararamdaman.

I faintly smiled and shook my head.

"Dad!" Maagap na pag bawal sa kanya ni Adrian pero inabot ko ang braso niya para mapigilan siya.

It's okay.. gusto kong isatinig 'yan pero hindi ko magawa.

Dahil hindi naman talaga.

Family is a very sensitive topic in my case.

Pero sanay naman akong tanungin ng ganito. Lalo na kung sila ang mag tatanong. Besides, they're like family to me. Noong mga panahon na akala ko mababaliw ako sa pagkawala ng mommy ko, nandoon sila. Alam kong concern lang si Tito lalo na at naging kaibigan din naman niya si daddy.

Sayang lang at hindi sila pareho.. hindi sila pareho dahil tapat si Tito sa pag mamahal niya kay Tita habang si daddy..

"No, tito. Hindi pa po ako bumabalik." Magalang kong tugon.

Napabaling ang tingin ko kay Adrian na puno ng pag-aalala ang mga matang naka titig sa akin. Nanglambot ang puso ko dahil doon, isa 'to sa mga dahilan kung bakit kami naging matalik na mag kaibigan.

He's the brother that I never had.

He's protective, kind, responsible and very caring when it comes to me. He's playful and a ladies man, yes, but that's him being a Montgomery. Maliban doon ay wala na akong marereklamo pa sa kanya.

"I see.." pag-tango ni Tito.

Nahagip ko si Tita Pin at nakitang malungkot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at napa-ayos ng upo. Bumaba na din ang hawak ko mula sa braso ni Adrian at narinig ko ang pag buntong-hininga ng taong nasa kabilang gilid ko.

"Hindi ka ba tinatrato ng mabuti doon? Did they harm you? I mean.. your stepmother and your stepsiblings." Puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Pin.

"Mom.. I don't think it--"

"I can't answer that, Tita. Simula po nung nawala si mommy, umalis na 'rin po ako sa bahay kaya hindi ko po sila nakasama ng ga'non katagal para masabi kung mabuti o masama ang trato nila sa akin.." muli kong pag putol kay Adrian.

I bit my lower lip.

Tuluyan kong binitawan ang kubyertos na hawak ko dahil parang nawalan ako ng gana. Sumandal ako sa upuan at pinilit pa 'rin ang sariling ngumiti, tumikhim ako para makatulong sa boses kong pilit kong pinatutunog kaswal.

"But.. we're okay naman po, hindi naman nila ako pinapakielaman sa mga desisyon ko." Dagdag ko dahil kita ko na hindi sila nakuntento sa sagot ko.

"But that's the problem! Hindi ka nila pinakikielaman which is dapat ay ginagawa nila. If they are really trying to be a good parent, they will do everything to make you stay with them. Sa stepmother mo naman, kung gusto niya talaga maging parte ng buhay ng papa mo, then she should try to know you more which she didn't try for how many years already." Bigay punto ni Tita Pin.

Bahagyang tumaas ang boses niya na kinagulat ko. Lahat kami ay natigilan dahil wala kaming masabi, ang kaninang masayang usapan ay nauwi sa ganito, pakiramdam ko tuloy kasalanan ko kung bakit naging ganito ang usapan.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon