Page 34

35K 960 87
                                    

Hi Inspirados, maraming nag fa-final exams ngayon, isama natin sila sa prayers natin, especially the graduating students. Cheering you all, God bless you all!

Carlisle King

"Let's check your temperature now..." Mahina kong sabi nang marinig na tumunog ang thermometer.

Kinuha ko 'yon mula sa kanya at tinignan kung ano ang body temperature niya pagkatapos ko siyang alagaan ng buong gabi at painumin ng gamot.

Hindi ako umuwi, kinausap ko si nanay para sana makapagpaalam pero bago ko pa masabi ang dapat kong sabihin ay pinangunahan na niya ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero isa lang ang naiisip kong konklusyon kung paano nga ba niya nalaman.

Sino pa nga ba ang mag sasabi sa kanya?

No other than Dos.

Sige na anak, okay na. Ako ng bahala kay Carlisle. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin. Matagal na panahon mo na kaming inuuna, ang dami mong sinakripisyo para sa amin ng anak mo, hindi naman masama kung unahin mo muna ang sarili mo. Basta mag iingat ka ha? 'Wag mong pababayaan ang sarili mo.

Her words comforted me. Matagal na panahon ang nag-daan para maging ganito kami. Years passed and she's still not able to talk, nakaupo lamang siya sa tabi, umiiyak o kaya naman ay nakatulala. Ako ang naging ina niya noong mga panahong 'yon kaya sobrang saya ko ngayon na ganito na siya sa akin, na ako naman ang anak niya...

Matagal na panahon din ang hinintay ko, pero nasisigurado ko na itong panahong 'to ang pinaka masasabi kong maayos sa aming lahat at sisiguraduhin kong walang makakasira nito kahit sino.

I will make sure that the security of my family will not suffer, it is my top priority.

"Thirty-seven degrees, looks like... okay ka na."

Nilapag ko ang thermometer sa bed-side table at inabot ang gamot sa kanya. Umupo ako para matulungan siyang inumin 'yon. Sunod kong inabot ang tubig sa kanya at parang bata naman siyang sumusunod sa bawat sinasabi kong dapat niyang gawin.

I smiled and slightly reached for his neck to check his temperature, mukhang okay na talaga siya at hindi naman makakaila 'yon dahil ngiting ngiti siya habang nakatingin sa akin.

"My doctor is good that's why." Aniya.

I smirked. "Buti alam mo."

"Okay na ba talaga ako?" Biglaang seryoso niyang tanong.

Nag-salubong ang aking kilay at mabilis na tinukod ang kamay ko sa kama para suportahan ang sarili ko sa pag-lapit sa kanya.

I moved closer to him while he's leaning on the bed's headboard. Inosente siyang nakatingin sa akin habang ako ay hindi alam ang gagawin dahil sa tanong niya.

"May masakit pa ba sa'yo? Sabihin mo sa akin, para magawan natin ng paraan. Wala ka ng lagnat pero..." Saad ko at inabot muli ang leeg niya.

"Anong nararamdaman mo? May masakit pa?" Tanong ko habang sinusuri siya.

Marahan siyang umiling at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Inabot niya ang kamay ko at dahan-dahan na binaba 'yon.

Nanglambot ang puso ko sa magaan niyang hawak sa akin, dalawang kamay niya ang nakahawak sa isa kong kamay, tila takot siya na masaktan ako at puno ng pag-aalaga ang kanyang bawat haplos doon.

My eyes watched him. My lips curved into a smile while looking at him as his eyes moved from my hand to my arm to my shoulder to my face and back to my eyes.

"Okay na okay na ako, sobra-sobra." Aniya.

Bahagya akong napabuntong-hininga dahil doon.

I nodded. "Buti naman. Basta, promise me that you'll tell me if you feel something bad okay? Don't be such a hard headed man, alam kong malakas ka at kaya mo pero hindi naman laging ga'non."

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon