Page 13

40.4K 986 32
                                    

Won't leave

Kasal?

Ga'non ba kadali 'yon para sa kanila?

This. Is. Insane.

Kakaiba talaga ang pamilyang mayroon sila. Kung banggitin nila ang salitang kasal ay parang napaka-daling bagay lamang nito.

I've seen ruined marriages just because they didn't think about it thoroughly.

A perfect example is my parents. I'm a witness of their failed marriage and I'll forever remember that. It will always be inside my head, how my dad messed up and ruined everything.

I know, he didn't love my mom enough for them to be together for a lifetime but still, hindi sapat na rason 'yon para saktan niya ito, para kalimutan niya ito, para mapalitan niya ito agad. Kaya ako, gusto ko... kung magpapa-kasal man ako ay dapat sigurado.

I won't take a chance for something that is not strong enough.

"Marry me. Ako nalang."

May kung anong tumulak sa puso ko nang marinig ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Tipong sa pag-tulak na 'yon ay ang siyang pagkaramdam ko ng magka-halong pait at saya sa puso ko.

Hindi ko alam pero sandali kong nakalimutan lahat ng mga problema ko, naramdaman ko ang kagustuhang takasan ang lahat.

I felt a hint of hope...

That maybe, I could escape and try to be happy.

Pero mabilis ko rin winaksi 'yon sa aking isipan, alam kong hindi pag-takas ang solusyon sa mga problema. Isa pa, natatakot ako... natatakot pa rin ako dahil wala pa rin kasiguraduhan ang lahat.

Nakakatakot sumugal sa isang bagay na alam mong pwede mong ikamatay sa hinaharap, dahil alam kong pag nagkamali ako, hindi ko kakayanin ang mawalan pa.

Umiling ako.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo..." Halos hangin ko nalamang sambit.

Kita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata pero nanatili lamang ang lambot ng kanyang tingin sa akin.

The stare he's giving me is breath-taking, it was full of patience and it showed how gentle he is. I know he's trying to understand me and a part of me is starting to lean on him.

"I know what I'm saying, trust me, I know... and I'll make sure you'll see that."

"Dra? Okay lang po ba kayo?"

Maagap kong pinilig ang aking ulo nang makarinig ng boses.

Damn it! Nawala na naman ako. Hindi maganda ito, masyado na akong nadadala sa mga pangyayari at mukhang nakakalimutan ko na ata ang mga mas dapat kong isipin.

More important stuff... I mean.

Ngumiti ako at binaba ang records na hawak ko. Wala sa sariling napalunok ako bago mag-angat ng tingin. Bumungad sa akin ang nag-aalalang ekspresyon ni Kelly kaya tumango ako kahit hindi naman 'yon ang totoo kong nararamdaman.

"I'm okay." Pilit kong sagot.

Nanatili lamang ang kanyang nakakunot na noo habang nakatingin sa akin kaya napatikhim ako para maiba ang ihip ng hangin.

"Ito na ang mga bagong dosage ng gamot ni Mrs. Yu, please keep track." Untag ko bago siya tinalikuran.

I bit my lower lip as I walk through the hallway.

Kumikirot ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Gusto ko man itong sagutin ay natatakot ako dahil sa likuran ng aking isipan, alam kong may parte sa akin ang may alam ng sagot... may parte sa akin ang nag-sasabing gusto ko siyang makita, may parte sa akin ang nag-sasabing hinahanap-hanap ko na siya na hindi ko dapat maramdaman.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon