To all Inspirados that would be taking their final exams this week, Goodluck! Pray and study, everything will follow.
Home finally
"Uuwi ka na ba?"
Napatingin ako sa orasan ko at tumango. "Yes, ikaw? Hindi ka pa ba hinahanap ni Uno?" Tugon at tanong ko kay Evangeline.
Binalingan ko siya ng tingin at ang kanyang ngiti ang sumalubong sa akin.
"Hindi mo naabutan ang announcement ko noong isang araw. Sumunod kasi kayo ni Carl dito sa hospital..." sandali siyang tumigil at lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi. "...pero gusto ko lang sabihin na ang saya-saya ko para sa ating dalawa." Aniya.
Natigilan ako sa pag lalalad dahil sa kanyang sinabi. Sumilay ang ngiti sa aking labi pero bakas sa aking mga mata ang kalituhan dahil hindi ko nakuha ang kanyang sinabi.
I slightly tilted my head to comprehend what she said.
"Hm... ako rin naman masaya para sa atin dalawa. Lalo na para sa'yo, you're having your first born soon. Hindi ko nga alam kung bakit natagalan, I doubt that Uno did some family planning." Saad ko sabay pakawala ng mahinang tawa.
Bahagya rin siyang natawa at napahawak sa kanyang magkabilang pisngi na tila nahihiya sa narinig mula sa akin.
I bit my lower lip and gave her my sweetest smile.
"In a serious note, masaya ako dahil nahanap mo na ang pamilyang makakasama mo buong buhay mo. You lost your mom but you found your other half..."
Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko sa sinabi ko.
"Kahit naman ikaw, you found him already. Kasama mo na nga, handa pa ibigay ang lahat para sa'yo. Isa pa, nawala man siya ng ilang taon sa'yo, may ibinigay naman na mag tutuglong pa rin sa inyo. Your son is your connection and I know, isa lamang siya roon. Sa puso niyo pa rin manggagaling ang koneksyon. I hope, you'll let him love you again, Kath. Carl was a lost man, he found himself again and I hope that he won't get lost again."
Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi niya. I opened my mouth but close it again. Naramdaman ko ang pag hampas ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin. Ang katotohanan na may koneksyon pa rin kami ni Carl o ang katotohanan na alam niya ang tungkol kay Carlisle.
I thought they don't know. I'm still trying to fix my life again, sobra na nga ang kaba ko tuwing pumupunta si Adrian, Dos, Simon at Tulip sa condo unit tapos may iba pa palang nakakaalam.
"Paano? Paanong--"
Umiling siya at humakbang palapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko at hinawakan 'yon.
"Alam namin lahat, si Carl lang ang walang alam. Hindi namin sinasabi sa kanya kasi gusto namin ikaw ang gumawa 'non. Ayaw namin alisin ang karapatan na marinig niya 'yon mula sa'yo. So please, 'wag mo na sanang patagalin pa at sabihin mo na sa kanya. Apat na taon na ang nawala, sobra na 'yon para sa kanya at para na rin sa anak mo."
"Evangeline." I managed to say her name. "Kung alam mo lang kung gaano ko gusto sabihin sa kanya ang totoo. Araw-araw ko hinihiling sa Diyos na bigyan niya ako ng lakas ng loob na gawin 'yon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya. Alam kong darating din ang oras na kailangan kong ipakilala si Carl sa anak namin, pero hindi pa ngayon... darating din 'yon."
She nodded and reached for me to hug me. I don't know but my tears started flowing again. Isa rin sa mga pinagdadasal ko ay dumating ang araw na mapapagod ang mga luha ko at tanging pag ngiti nalang ang gagawin ko.
Alam ko na darating din 'yon.
Walang luha.
Walang pangamba.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 6 : Take A Chance
RomanceKathleen Fae Camongol is one of the most powerful brilliant doctor of the country. A lot of women wished to be like her because of her beauty, brain and wealth. Maraming tao ang nag hahangad ng buhay na mayroon siya pero hindi nila alam na siya mism...