Page 3

59.4K 1.3K 127
                                    

Hard

Bestfriend..

Argh!

Nakakainis talaga ang lalaking 'yon! Simula noong nakilala ko siya, wala na siyang ginawa kung hindi ang guluhin ang magulo ko ng buhay. Bawat parte ng katawan ko, umaapoy pag naririnig ko ang pangalan niya, naririnig ang boses niya o tuwing nakikita ko siya.

The way he looks at me..

Para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya gayong wala naman akong maalala na ginawa ko.

We were never friends.

Malapit ako sa buong pamilya niya dahil kay Adrian pero sa kanya lang hindi. Mailap siya sa akin at ga'non din ako sa kanya. Tanging mga mata lang namin ang nag tatagpo tuwing mag kasama kami sa iisang lugar.

So I can't really guess nor comprehend the chaos he's bringing me.

He's making me really stressed out.

Hindi ko makalimutan ang mga mata niyang nakatingin sa akin kanina. Nanunuot 'to sa buong pagkatao ko. Para akong lilipad pag naaalala 'yon pero ang kinaiinis ko ay hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

Maybe I'm hating him too much?

I dislike him so much that I'm feeling weird already?

"Damn this.." I breathed.

"Kung ayaw mo matulog, please let me sleep."

Napabaling ako ng tingin kay Georgina, isa sa mga matalik kong kaibigan at kasama ko sa condo unit na tinitirahan ko. Noong umalis ako kay daddy, ay siya namang pagkamatay din ng mga magulang niya kaya kami nalang ngayon ang magkasama.

She's the sister that I wish I had.

But atleast, we met in this lifetime as very good friends.

Sa mundong 'to, wala akong mapapagkatiwalaan pero kung bibigyan ko ang sarili ko ng tyansa na magtiwala.. isa siya sa mga pipiliin ko para bigyan 'non.

"Why don't you go back to your room so you can sleep properly?" Balik ko sa kanya bago muling binaling ang tingin sa kisame.

I heard her sigh.

"Ano bang problema mo? Why can't you sleep? You only sleep fourteen hours a week, tapos ganyan ka pa? Don't tell me you're killing yourself already, Kath? Don't you dare. Don't you dare leave me here!" Madrama niyang sabi.

Napabuga ako ng hangin at pinigilan ang sariling mapailing. Pinikit ko ang aking mga mata at sinubukan matulog dahil tama siya, kailangan kong gamitin ng mabuti ang fourteen hours of sleep ko pero sa huli ay muli lamang ako napabuga ng hangin.

Heck!

Ano bang problema ko?!

Why do I keep on seeing his face!

Talaga bang pinanganak siya para guluhin pa ang magulo kong buhay? Then if that's the case then he's doing a good job about his life's purpose. Dahil talagang nagugulo niya ang sistema ko.

Nakakatawa!

Kath! Nakakatawa ka talaga.

Isang araw mo pa lang siya nakakausap ng ganito katagal pero parang niyanig na ang mundo mo.

I must really hate him.

"Kathleen Fae!" Halos pasigaw na tawag sa akin ni Georgina.

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at dahan-dahan na binuksan ang aking mga mata.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon