Page 12

39.4K 1.1K 71
                                    

Marry me

Huminga ako ng malalim at pinag-tiim ang aking mga labi para mapigilan ang kagustuhan kong singhalan ang taong nasa tabi ko.

Humalukipkip ako at tumingin sa ibang direksyon.

"Hindi ba talaga kayo mag-uusap?" Inosenteng tanong ni Dos habang sumisimsim sa baso niyang may lamang alak.

Nagpanggap ako na hindi ko siya naririnig at nanatiling naka-sandal sa aking kina-uupuan. Pasalamat nalang ako sa malakas na tugtog na pumaibabaw sa buong bar ni Taw, kahit anong sabihin ng dalawang Montgomery sa tabi ko ay pwede kong idahilan na hindi ko sila naririnig.

Tipong, blah... blah... blah... lamang ang naririnig ko sa kanila.

Ewan ko ba, inis na inis ako ngayon dahil pakiramdam ko ay pinagkaka-isahan ako ng mga taong may dugong Montgomery.

Montgomery sa araw, tanghali, pati na rin sa gabi.

Aba, balak ata nila akong i-overdose sa mga pag-mumukha nila!

"Galit ka rin sa akin? Bakit hindi mo ako kinakausap?" Inosenteng tanong pa rin ni Dos.

Napabuga ako ng hangin at sinamaan siya ng tingin. Mabilis naman siyang bahagyang napaurong dahil sa takot, nakuha niya pang tumikhim at ayusin ang kanyang polo na para bang wala siyang tinanong.

I showed a sarcastic smile while looking at him.

Pinagmasdan ko siya at hindi ako makapaniwala na siya ang tinatawag nilang devil in the boardroom. Kung titignan siya ngayon ay para lang siyang nawawalang sanggol na hindi alam kung paano aayusin ang buhay niya.

I mean, no offense because I know everything he's been through but, wala siyang ginawa kung hindi umiyak sa harapan ko mula noong naging malapit kami.

Hah! Bulag ata ang mga tao na nag-sabi 'non?

"Hindi siya sa'yo galit, sa akin." Sabat ni Adrian.

Napaawang ang labi ni Dos at napatango-tango na para bang naiintindihan niya na ang sinasabi ni Adrian.

Umikot ang mga mata ko dahil doon at binalingan ng tingin ang naka simpleng t-shirt at cargo shorts na katabi ko. Naka-pagitna ako sa kanilang dalawa at kanina ko pa hinihiling na sana ay umalis nalang si Adrian.

Noong una ay gusto ko siyang makausap, gusto ko marinig mula sa kanya ang plano niya tungkol sa gusot na ginawa namin dahil alam kong may parte din naman ako doon. I am more willing to help him to sort things out but he said something that made my blood boil.

"Can't you pretend for six more months? Okay... five? Or three? Just give me more time, I just need to let my mom see that I tried."

Halos mapasabunot ako nang marinig ko 'yon. Gustong gusto ko siyang sigawan at ipamukha sa kanya na siya ang unang sumira ng usapan. Wala pang twenty-four hours ang deal namin noon pero pinasa niya na sa iba ang responsibilidad at kanino pa? Kay Carl pa? Of all people!

Besides, more months? Baka sa altar na kami dalhin nito.

Masyado pang pagod ang utak ko sa issue ko sa kanya pati na rin kay Carl. Nandito ako dahil kailangan ni Dos ng kausap hindi para kausapin ang kahit sino sa kanilang dalawa ni Carl.

Buti na nga lang at wala ang taong nakakapag-paikot sa buong sistema ko kung hindi ay hindi ko na siguro alam ang gagawin ko. I can't stay sane if I'll have three Montgomery to handle.

"If that's the case, then shoo, go away." Ani Dos kay Adrian.

Napaayos ng upo si Adrian at hinarap si Dos. Sinamaan niya ito ng tingin na hindi naman pansin ng huli. Nag-patuloy lamang sa pag-inom si Dos habang si Adrian ay hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanyang pinsan. Nag mistulang sine ang pinapanood ko dahil sa kanilang dalawa.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon