Haplos
Napabuga ako ng hangin at bahagyang hinawi ang ilang takas na buhok sa harapan ng aking mukha.
"Ayoko nga." Giit ko.
"Please.. Kath. You know how important this is for me." Ani Adrian.
I rolled my eyes as if he can see my annoyance.
Tama nga si Carl, ilang oras lang ang nakalipas pagka-tapos niyang umalis kasama si Vanessa ay tinawagan ako ni Adrian para ipaalam sa akin ang tungkol sa dinner party ng mga Montgomery.
Alam ko ang tungkol sa dinner party na ito, alam kong mayroon talaga silang araw sa isang buwan kung saan mag sasama-sama sila para kumain ng sabay-sabay. Alam ko 'rin kung sino ang mga nandoon, mula sa pamilya ni Tito Theodore hanggang kay Tito Ivor at Tito Ziel ay nandoon. Dagdag pa ang asawa ni Adrianna at ang mga anak nila.
Tanging si Agatha lamang sigurado ang wala doon, though I'm not sure if Dos will come or will he continue being miserable inside his room.
But whatever it is, I can't go.
"And you know how much I love your family, Adrian. I already agreed to be called as your girlfriend until you haven't find the real one but acting as your real girlfriend and on top of that, going on this important dinner parties?"
Umiling ako. "I can't do it. I'm sorry." Halos pabulong kong wika.
Unang tanong niya palang ay sumagot na ako ng hindi pero sadyang makukulit ata talaga ang mga Montgomery dahil mahigit isang oras na 'rin niya akong pinipilit.
"Kathleen, mom told me to invite you. She wants to see you again and to talk to you. Hindi lang naman ito dahil sa alam niyang mayroon tayo kung hindi dahil gusto ka talaga niya makausap. You know how important you are for this family too. You are a family. Hindi mo ba talaga siya mapapag-bigyan?" Mapanuyo niyang sabi.
I smirked and shook my head for the nth time.
Hindi na ito gagana sa akin. Alam ko ang ginagawa niya, he's doing his usual persuasion in me. He's making me feel guilty because he know that I can't say no to his mom but not this time. Not now. Not on this situation.
If I say yes..
It's like digging my own grave.
"Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo naman ako pinipilit sa mga bagay na ayaw ko dati 'a?"
Narinig ko ang kanyang pag buntong-hininga.
Alam kong mahalaga sa kanya ito, lalo na at ito nalang ang huling hiling sa kanya ng mga magulang niya. Pero, bakit kailangan ako pa ang pahirapan niya?
Hindi naman ga'non kadali ang mag sinungaling lalo na sa harapan ng mga taong tinuturing kong pangalawang pamilya.
"Besides, nag-iisip ka ba? Fooling Tita Pin and Tito Theodore isn't enough for you? Ngayon naman gusto mo sa buong pamilya niyo ako humarap? Aba naman Adrian, sumosobra ka na. Nililibing mo na ata ako ng buhay niyan."
Napahawak ako sa sentido ko dahil sa sakit ng ulo na binibigay niya.
"Kathleen.." Puno ng pag susumamo niyang tawag sa pangalan ko.
No, Kathleen.
Don't waver.
I need to learn how to say no. Hindi lang para sa akin kung hindi para sa mga taong mas masasaktan pag lumala 'to.
Pag pumunta ako doon, parang sinabi ko na 'rin na seryoso ang mayroon kami at baka mamaya humantong pa 'to sa altar. Hindi ko ata magawang maisip man lang 'yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/105745077-288-k919745.jpg)
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 6 : Take A Chance
RomanceKathleen Fae Camongol is one of the most powerful brilliant doctor of the country. A lot of women wished to be like her because of her beauty, brain and wealth. Maraming tao ang nag hahangad ng buhay na mayroon siya pero hindi nila alam na siya mism...