Page 32

34.6K 906 46
                                    

Hi to the both of you :
I had a lot of realizations while writing this chapter. Isa na roon ang elemento ng forgiveness at love, that sometimes, kahit na masyado na tayong nasaktan, pag mahal mo talaga ang tao, handa kang magpatawad. Mahirap, oo pero ga'non ka-lakas ang pag-ibig. I may not have any experience yet but I hope I am not wrong because I want to think of life like this, ang sarap lang isipin. That's why I want to hightlight this two comment about forgiveness and love.

 That's why I want to hightlight this two comment about forgiveness and love

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pangarap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pangarap

"Evangeline." Panimula ko.

Lumingon ako sa paligid at nakitang mataman na nakatingin sa akin ang mga tao. Handa silang makinig sa mensahe ko para kay Evangeline. I was shocked when we arrived, nilapitan nalamang ako ni Adrianna at sinabing isa ako sa mga hiniling ni Evangeline na mag bigay sa kanya ng mensahe para sa birthday niya.

The thing is, Uno made her birthday party like a debut. Dahil hindi raw naranasan ng asawa niya ang magkaroon ng ganitong klaseng birthday party.

"Uh... actually, I don't know what to say. I'm not really good with words." Saad ko at bahagyang tumawa.

The crowd laughed with me. Lumawak ang ngiti sa aking labi at hinanap ng mga mata ko ang taong gusto kong makita. Hindi naman ako nahirapan gawin 'yon dahil tila may magnet ang kanyang presensya na talagang hihilahin ang mga mata ko papunta sa kanya kahit na maraming tao.

Agad na nag tama ang mga mata namin. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi kaya mas lalo akong napangiti. Naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko pero mabilis kong winaksi 'yon at binalingan muli ng tingin si Evangeline na ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.

Tumikhim ako at humakbang palapit sa kanya.

"Evangeline, I want to tell you how much I appreciate you as a friend. Before, tuwing tinitignan kita, nakikita ko ang sarili ko sa'yo. I look at you as a person who needed my help. Alam ko na maraming nangangailangan ng tulong ko dahil isa akong doktor pero iba ka, nakita ko ang sarili ko sa'yo. We have the same desire to be with our mother. Kaya naman ginawa ko ang lahat para sa nanay mo, though it wasn't enough to keep her alive, I hope it was enough to give you time to be with her."

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon