Page 43

18.6K 521 96
                                    

Hi Inspirados...

A year has passed. I remember updating last year, not knowing it will take another one to update again. A lot has happened. Noong una, naging abala ako sa pagiging graduating student, sa mga nakakaalam, hindi naman sikreto ang kurso ko, I am a graduate of BS Accountancy. I was also vying for latin honors kasi kailangan ng pamilya ko ang scholarship sa review center. Naisip ko noon, that maybe... it is the end. Na ang passion ko ay hanggang doon nalang. I was making excuses for myself. Para hindi ko hanap-hanapin.

Alam ko noong April, nakapag update ako ulit ng Free fall, but I must admit, I wasn't back wholeheartedly. And I know it wasn't right. Kaya tumigil ako ulit kasi ayoko naman mag sulat ng hindi buo ang loob ko.

But a few weeks now, hindi maalis sa isip ko ito. Kasi I know, a part of me wants to write again. So I decided to read a couple of chapters ng Take A Chance, at nakakatawa dahil habang nag babasa ako parang hindi ako ang nag sulat, ga'non ang pakiramdam ko. Mas nilukob ako ng takot bumalik. Kasi naiisip ko, what if hindi ko na pala kaya? What if yon nalang talaga? What if wala na akong babalikan? There are a lot of what ifs going on inside my head. At ang sabi nga diba, what and if, when placed beside each other, they can haunt you. Natatakot ako kasi hindi ko alam paano na ba ngayon dito, na baka hindi ko na kaya tulad ng dati. I don't even know how to start.

But I know... those will remain questions unless I start somewhere.

So now, I am asking for your support again. I am not sure how this will work, but I will try to get back. Starting from TAC. (I hope you enjoy this update, hindi tulad ng dati na isahang upo, nakakapag sulat ako, itong update na to... actually took two days. Hehehe pero mas masaya, kasi talagang napasubok ako dito.) 

I'll explore too, dahil alam kong napakarami ko pang kailangan iimprove.

Sorry for keeping you waiting.

Thank you for those who patiently waited. Thank you for those who supported me now and until now. 

I am scared but I will try.

Kath's choice

Sa bawat pag lipas ng araw, sa bawat ngiting nasisilayan, sa bawat pag-tawag ng pangalan at sa bawat araw at gabing aking nararanasan kasama ang dalawang taong mahal na mahal ko, minsan ay hindi ko mapigilan maisip kung may natitira pa bang sakit sa puso ko.

What happened before was really meant to happen. 'Yon ang napatunayan ko kahit na gaano pa kasakit ang nangyari. It was just what the situation needs. Minsan, tuwing tayo ay nakaharap sa napakahirap na sitwasyon, hindi natin nakikita ang maganda at mabuti rito, we try to find a hole where we can fit  our reasons. 

Pero hindi eh... it is just... we win or we grow.

Marahil ay totoo nga na kayang pawiin ng pagmamahal ang lahat ng sakit. Sakit... na binalot ako. Dahil tuwing tinitignan ko sila, kahit sa simpleng pag tulog lamang nila, hindi ko na magawang maisip kung paano ako noong hindi na ako naniniwala na may pag-asa pa, pag-asa na sumaya... not in this life time I thought. But here he is... making me realize that I deserve every ounce of happiness I have right now.

I am now... happy.

Very happy. 

"Adrian..."  garalgal na boses kong tawag sa pangalan ng matalik kong kaibigan.

"Hey... Kath? Why are you crying? Napano? May problema ka ba?" Rinig kong may pangambang tanong niya.

Tinakpan ko ang aking labi para mapigilan ang pag hikbi pero dahil sa sobrang pag iyak ay kumawala pa rin ito at alam kong dinig na dinig niya ito dahil narinig ko ang mabilis na kaluskos at pag bukas-sara ng pintuan.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon