Page 4

53.1K 1.2K 90
                                    

Montgomery's promise

"Aalis na ako." Saad ko gamit ang tonong nag papahiwatig na desidido ako sa sinabi ko.

Sinubukan kong hablutin mula sa kanya ang braso ko ngunit laking gulat ko nang mahigpit niyang dinepensahan ang pag-tatangka kong umalis.

He held my arm tighter.

Mahigpit ngunit maingat kaya hindi naman ako nasaktan. Sapat lang para hindi ako makaalis sa hawak niya. Though, this is not questionable anymore. Carl is known to be the most gentle compared to all the Montgomerys. Kaya nga nagugulat ako sa mga pinapakita niya simula kahapon.

His actions are definitely not gentle.

"Carl, ano ba? Sabi ko aalis na ako. I clearly don't have anything to do here anymore. I have a business meeting a while ago pero wala na ngayon. Pinaalis mo kasi diba?" I sarcastically said.

"Business meeting? Don't bluff. I know why you're here. Besides, I don't like his presence here kaya ko pinaalis. Bakit gusto mo ba siya?" Balik niya sa akin.

Ngumiwi ako. "Anong alam? Paano mo alam? And to answer your question, hindi ko siya gusto. Think whatever you want to think, pero sinasabi ko na sa'yo na wala kaming ugnayan dalawa."

Why am I even explaining..

Hindi naman ako dapat obligado na mag bigay ng eksplenasyon sa kanya dahil wala naman kaming pakielam sa isa't isa-- dapat.

"I answered your question, now.. answer mine. Paano mo nalaman ang dahilan kung bakit ako nandito?" I asked again.

Lumuwag ang pagkaka-hawak niya sa akin pero hindi pa 'rin siya bumibitaw.

Nagkibit-balikat siya at muling bumalik ang ngisi sa kanyang labi. Sinamaan ko siya ng tingin at nag baba ng tingin sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"Secret." Parang bata niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin at dumapo ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Sa pag tingin kong 'yon, doon lang pumasok sa sistema ko na totoo nga 'to. Totoo nga na malapit lang ako sa kanya at ga'non din siya sa akin.

Isang bagay na hindi ko kailanman inakalang mangyayari.

I never dreamt for this to happen. His presence is something I never imagined to be near me. Before, I always hear people how they adore him, how much they praise him with his good deeds.

He's the famous Carl James Montgomery. The responsible, kind, smart and handsome son of Joachim Ivor and Jade Montgomery.

Sabi nga nila ay.. total opposite daw siya nina Uno at Adrian Montgomery. They are the irresponsible ones.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Aalis na ako." Pag-uulit ko dahil hindi na ata kakayanin ng sistema ko ang presensya niya.

I'm being clouded with something I don't want to happen.

"Narinig ko." Aniya.

Nag-angat ako muli ng tingin sa kanya at kita ko na nanglambot ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Malayong malayo sa tingin na binigay niya kay Eos kanina.

The stare he's giving me will make every girl feel jealous.

But I don't want this. I want him to go back to his old way of treating me.

"Kung narinig mo pala, bitawan mo na ako." I said with a matter of fact tone.

Umiling siya at umayos ng tayo. Pumadausdos ang hawak niya mula sa aking braso pababa sa aking kamay na naging dahilan ng pag talon ng puso ko.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon