Page 22

31.5K 738 56
                                    

Hi to Emilyyty! Thank you for always supporting me, I will never forget you po, nakatatak na po kayo sa puso ko. Thank you for appreciating my works po.

Always him

Life has a way of making you realize things...

Sometimes, you'll want to stay and see how it goes but most of the time, you'll want to run away.

That's how it goes for me.

I'll always choose to run away. Not because I want to but because I don't have a choice. To protect the people around me, to make them safe, I shall never go back.

"Your seatbelt..."

Halos mapapitlag ako nang maramdaman ko ang strap ng seatbelt sa harapan ko. Napababa ako ng tingin doon at pinanuod si Taw na isuot 'yon para sa akin.

"Thank you." I managed to say.

He gave a faint smile and slightly tapped my forehead.

"You don't have to say thank you, silly." Aniya.

I bit my lower lip and shook my head. "I have to. 'Yun nalang ang magagawa ko para sa'yo, ang magpasalamat..."

He took a deep breath and stared at me for a few seconds.

Hindi ko alam pero kahit gaano ko na siya katagal kakilala ay hindi ko pa rin magawang mabasa ang nasa isip niya. Sometimes, I want to ask him just like how I feel right now, gusto ko siyang tanungin dahil sa tingin na ginagawad niya sa akin pero parang ayoko rin dahil alam kong pagsisisihan ko.

Pagsisihan dahil hindi ko 'yon magagawang sagutin.

"Just don't." He finally said before giving me a space to breathe.

Nang mailagay niya na iyon ng maayos ay tsaka naman niya sinuot ang kanya. Sinundan lamang siya ng mga mata ko, bawat galaw at bawat pag-hinga ay pinagmasdan ko. Hindi ko maiwasan ang mamangha habang pinapanuod ang bawat galaw niya.

He secured everything for us. Lumingon siya para matignan si Carlisle sa likod kung saan ito nakapwesto at ngiting-ngiti na inabutan ito ng chocolate. Napangiti ako habang pinapanuod siyang gawin 'yon para sa anak ko.

"Thank you, Taw." Pag uulit ko sa pasasalamat ko.

"Thank you, Tito Taw!" Masayang pasalamat din ng anak ko.

I smiled and gave him a thumbs up to praise him for following what I taught him.

My son smiled and nodded. Inabot niya ang chocolate sa akin at alam ko na ang gusto niya. I opened it for him and gave it back. Kita ko ang kagalakan sa mga mata niya at nanglambot ang puso ko roon.

Ngayon, naiintindihan ko na pag sinasabi ng iba na kahit kailan ay hindi mo mabibili ang ngiti ng isang bata.

Whenever I see him smile, parang kahit anong mangyari... kakayanin ko. Basta makita ko lang siyang ngumiti, okay na sa akin.

"Really... you're being sentimental again?" Panunukso sa akin ni Taw.

I glared at him which made him laugh. Muli niyang nilingon si Carlisle at pinagmasdan ng ilang segundo ang bata bago niya ako nilingon pero lalo lamang lumawak ang ngiti niya. Umiling-iling siya at umayos na ng upo.

He started the engine while smiling, kita ko na hindi niya magawang alisin ang ngiti sa labi niya.

"Are you ready, kiddo?" Tanong niya at narinig kong tumawa ng bahagya ang anak ko.

"Yes po!" Magalang na sagot ni Carlisle. "Let's go na po, I badly want to biy more chocolates po."

Umayos ako ng upo at ngumiti nalamang. Dumiretso na ako ng tingin sa daan at hinayaan si Taw na mag maneho kahit na wala akong tiwala sa kanya sa pag mamaneho.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon