Page 9

43.3K 1.1K 143
                                    

Step forward

"Bring her car to her condo unit. I'll message you the address." Ani Carl sa kanyang driver.

Nagkibit-balikat nalamang ako at hinayaan siyang mag-tipa sa kanyang cellphone habang ako'y nag-hahanap ng komportableng pwesto sa loob ng kanyang sasakyan.

Nang mahanap ko ito ay binaling ko ang tingin sa harapan at hinayaan ang sariling namnamin ang napaka-gandang imahe sa harapan ko.

The view is wide and beautiful.

Ethereal.

"Did you ever feel like missing someone and you can't do anything about it?"

Bahagya ko siyang nilingon dahil sa kanyang tanong.

"Yeah.. of course." Tugon ko.

Muli kong binalik ang tingin sa harapan kung saan tanaw na tanaw namin ang mga bituin sa langit. Nag-niningning ang mga ito at hindi ko mapigilan ang mamangha sa ganda nila.

They are glowing and it's making me feel like we're out, away from the city.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa araw na ito pero tila napaka-espesyal ng lahat. From the moment I saw him earlier until at this very moment, kung saan kasama ko siya sa loob ng kanyang kotse habang nakatanaw kami sa kalangitan.

Dinala niya ako sa isang open space na alam kong pagmamay-ari ng mga Montgomery. Balak nila itong gawing fire-range kung hindi ako nagkaka-mali.

"I felt that when I went to Argao, five years ago. I felt that whenever I put distance between us. I felt that whenever I let you near Adrian. I always miss you even though I'm at fault of missing you." He truthfully said.

Napaismid ako dahil sa narinig.

"I don't believe you."

"Why?" Lito niyang tanong.

Nilingon ko siya at sinalubong ako ng kanyang mga mata.

He has this beautiful deep set of eyes which I don't have the courage to stare for so long. They're intimidating and too much to handle, napaka-swerte ng mga taong tinitignan ng mga 'yon sa araw-araw.

"Hm.." I shrugged. "I don't know. I just don't. You can't just go around telling me you miss me when your actions show otherwise."

Napaawang ang kanyang labi at napahawak ang kanyang kaliwang kamay sa manibela. Napailing-iling siya na para bang may naintindihan siyang bagay na matagal niyang tinutuklas kung ano ang ibig-sabihin.

"I forgot how hard headed you are." Aniya.

I smirked. "I'm not hard headed. I listen to people, Carl. I always do. It's just that, I don't trust people easily. That's different."

He stared back at me and listen to me intently. I can't help myself but to feel affected by that, I have this thing with people who listen to what I'm saying as if everything I say is important.

I feel so special whenever he does-- listen to me.

Lagi naman, kahit noon pa.

"Years ago, I liked you." Lakas loob kong pag-amin.

I paused.

Pinanuod ko ang kanyang reaksyon. Kita ko ang pag-lunok niya, pag-galaw ng kanyang mga mata na para bang hindi niya inaasahan ang sinabi ko at ang pag-tagis ng kanyang bagang.

Too handsome.

Lihim akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Pakiramdam ko ay nanalo ako sa isang laro na hindi ko alam na kasali ako.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon