Hi readme2017! I really love the quote that you wrote in the comment. The emotion that can break your heart is sometimes the very one that heals it. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko nung nabasa ko ang comment mo. I love it!
Hazel
"Mommy..."
Napalingon ako sa tumawag sa akin at wala sa sariling napangiti nang makita ang anak kong paakyat ng upuan para tumabi sa akin.
Maagap ko naman siyang tinulungan at niyakap nang makalapit na siya sa akin. Inamoy ko siya at mabilis na hinagkan sa pisngi na siya namang kinatawa niya.
"Mommy, are you okay po?" May kabagalan niyang tanong.
Tumango ako at binigyan muli ng halik ang kanyang ulo. Doon ko lamang napansin na tumutulo na pala ang mga luhang hindi ko namalayang nag babadya kanina pa.
Napakagat ako sa aking labi lalo na nang balingan ako ng anak ko ng tingin. Kahit ayoko man ipakita sa kanya ang mga mata kong lumuluha ay hindi ko magawang itago dahil sobrang namimitik sa sakit ang puso ko.
"Mommy... hindi ka po okay." Aniya sa hindi nag tatanong na tono.
Umiling ako at pinilit na ngumiti. "Okay..." I gasped for air and felt my tears flow more. "I'm okay. Mommy is okay. Masaya lang si mommy kaya siya umiiyak." Paninigurado ko sa kanya.
Kita ko ang kalituhan sa kanyang mga mata. Inabot niya ang mukha ko at marahang pinunasan ang mga luha roon. Pinagmasdan ko lamang siya habang ginagawa niya 'yon pero mas lalong umagos ang mga luha ko.
His eyes...
His lips...
Everything about him shouts Carl Montgomery. Masaya ako kasi kahit tignan ko lang siya, parang nakikita ko na ang lalaking hindi ko tinigilan mahalin pero hindi ko alam na sa unang pagkakataon ay masasaktan ako ng ganito habang tinitignan din siya.
"Carl..." I managed to call him by his name.
I felt his arms tightened more around my waist.
"Honey."
Nanigas ang aking buong katawan nang may marinig na pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali...
"Hon, anong nangyayari?" Tanong ng boses na 'yon muli.
"Nothing." Ani Carl at humiwalay na sa akin.
Sa paghihiwalay ng aming mga katawan ay siyang pag bungad sa akin nang taong 'yon. Mula sa hindi kalayuan ay nakatayo ang babaeng alam kong makakapanakit pa lalo ng puso ko. Hindi ko alam pero nanghina ako nang magtama ang mga mata namin.
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Napahakbang siya paatras at napaawang ang kanyang labi.
Gulat. Galit.
'Yon ang nakita ko sa mga mata niya pero sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. Ngiting alam kong malayo sa katotohanan.
"Hi." Aniya. "Kath." Pag-tawag niya sa aking pangalan.
I forced a smile and warmly looked at her.
"Hi Hazel." Bati ko pabalik sa kanya.
Mabilis siyang lumapit kay Carl na nakatayo pa rin sa harapan ko habang mataman na nakatingin sa akin. Pumaikot ang kanyang braso sa baywang ni Carl at niyakap ito na para bang normal na sa kanilang gawin 'yon.
Pinauod ko lamang ang mga galaw nila. Nakatingin pa rin sa akin si Carl pero ang kanyang kamay ay inabot si Hazel para mas mapalapit pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 6 : Take A Chance
عاطفيةKathleen Fae Camongol is one of the most powerful brilliant doctor of the country. A lot of women wished to be like her because of her beauty, brain and wealth. Maraming tao ang nag hahangad ng buhay na mayroon siya pero hindi nila alam na siya mism...