Uncle's wife
"Umuwi ka na... for sure, nag-aalala na sila sa'yo." Wika ko habang dinadama ang kamay niyang nakahawak sa akin.
Bahagya akong napangiti nang higpitan niya ang pagkaka-hawak sa akin.
We were walking endlessly under the night sky. Halos ikutin na namin ang buong vicinity ng hospital, ang nakakatuwa ay hindi man ako nakaramdam ng pagka-pagod.
"You really want to get rid of me that much?" Manghang tanong niya.
Maagap naman akong umiling at sinamaan siya ng tingin nang makitang sumilay ang malokong ngiti sa kanyang labi.
Lalo siyang natawa nang makita ang reaksyon ko kaya mas sinamaan ko pa siya ng tingin pero hindi rin nag-tagal 'yon dahil sa huli ay kumawala na rin ang ngiti sa aking labi. Para akong bumalik sa pagka-bata sa ginagawa kong pag-pipigil ngiti pero nanaig pa rin ang puso ko.
"Do you trust me now?" Tanong niya habang may ngiti pa rin sa kanyang labi.
Bahagya akong natigilan sa kanyang tanong at panandaliang natahimik, pinagmasdan ko lamang siya at hinayaan lamang ang tunog na galing sa mga nag-gagalawang mga dahon ang mamayani sa aming paligid.
Do I trust him now?
Paano nga ba malalaman 'yon? May paraan ba para malaman kung pinagkaka-tiwalaan mo na ang isang tao?
Buong buhay ko akong takot mag-tiwala sa mga tao, hindi naman ga'non lamang mag-babago 'yon...
Pero sa unang pagkakataon, gusto kong subukan.
"Nevermind, don't think about it. Hindi dapat kita minamadali."
Umiling ako.
Tumigil ako sa pag-lalakad at napansing malapit na kami sa hospital. Muli ko siyang hinarap at marahan akong ngumiti.
"I can't trust anyone yet..." panimula ko.
I bit my lower lip.
It's good to be honest. It will always be better to say the truth than pretend I do even though I don't.
"But I want to try." Dugtong ko.
Napatingin ako sa langit at mas lalong napangiti nang makita ang nagniningningang mga tala.
"Kathleen... I promise to--"
"Sh." I stopped him from what he was about to say.
Muli kong binaba ang tingin ko para matignan siya.
I can't stop my heart to be swayed by him. Just by looking at him, pakiramdam ko ay nasa panaginip lang ako at kung naroroon man ako, ang hiling ko ay sana... 'wag na akong magising.
"I know you're a man of his words. I know you keep your promises. I know that you do what you say. Pero, ayokong lagi kang nangangako sa akin... kasi, kapag hindi mo natupad 'yon... masasaktan lang ako. Kahit sabihin kong hindi ako mag e-expect, a part of me will still be expecting."
Kita ko sa mga mata niya ang pag-lambot nito. The strong emotions he was showing a while ago is gone, tanging ang kanyang malalambot na tingin at ang bahagyang nakangiti mga labi nalamang ang aking nakikita.
Napahawak ako sa aking pisngi at inangat ang kamay naming magkahawak. While looking at our hands holding each other, I suddenly remembered what my mom told me about people who hold hands.
Holding hands is a promise to one another that, for just a moment, the two of you don't have to face the world alone.
I'm a strong independent woman but it is still nice to know that someone will be with you along the way. I'm not sure if he will... but I hope he does.
BINABASA MO ANG
MONTGOMERY 6 : Take A Chance
RomanceKathleen Fae Camongol is one of the most powerful brilliant doctor of the country. A lot of women wished to be like her because of her beauty, brain and wealth. Maraming tao ang nag hahangad ng buhay na mayroon siya pero hindi nila alam na siya mism...