Page 25

31.4K 855 89
                                    

Hi to Andi119! You made by day when I read your comment. Thank you for reading! Have a nice day ahead!

Kamuhimuhi

One week...

One week na simula nang makauwi kami rito sa Pilipinas pero ito ako at kinukulong pa rin ang sarili sa condo unit namin ni Georgina.

Hindi ko alam pero hindi ko magawang lumabas noong mga nakaraang araw. Marahil dahil kung ako ang papipiliin, wala naman sa plano ko ang umuwi.

I feel like I shouldn't be here.

Kung hindi naman dahil sa pangingielam ng mga Montgomery ay siguradong wala ako sa sitwasyong 'to. Nakakatawang isipin na daig pa nila ang tatay ng anak ko sa oras na kasama niya dapat ito.

Simula nang umuwi kami rito sa Pilipinas ay araw-araw din sila rito. Hapon dumadating si Simon at Tulip habang si Adrian at Dos naman ay tuwing gabi dumadaan. Hindi ko nga alam kung paano ba ako dapat humarap sa kanila...

...kaswal ba o dapat ko bang ipakita na ayaw ko silang makita?

Especially towards Tulip.

Mahirap makitungo sa kanya dahil alam ko ang mga pinagdaanan niya. Nakita ko lahat 'yon. Hindi biro pero pinaglaban niya ang nararamdaman niya para kay Simon. Yes, there were times that they had to seperate but sa totoo lang, sa kabila ng ilang pag hihiwalay nila, alam kong hindi nila sinukuan ang isa't isa.

With that, I know that there is a big chance that they'll think that my actions are kind of cowardly. Which is somehow true. Lalo na pag tinitignan nila ako ng puno ng pag-aalala at awa, ramdam na ramdam ko na iniisip nila ang tungkol sa amin ng tatay ng anak ko.

Because honestly speaking, kung gugustuhin kong tumakas sa lahat ng ito, isa lang ang paraan at ito ang tumakbo ako papunta sa kanya...

To run towards him would be my escape.

Carl James Montgomery is my escape.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dos nang makapasok sa unit namin ni Georgina.

This place has been my home... my family's home for the whole week already. Hindi ko pa kasi alam kung saan ko talaga sila dadalhin. Iniwan ko lahat ng assets ko at hindi ko na sila kayang balikan gayong tinalikuran ko na ang tao sa likod ng apilyido ko.

It will hurt my pride to use my assets.

Kumunot ang noo ko nang makitang sobrang pag-aalala ang mayroon siya.

Ngumisi ako at inayos ang buhok kong may ka-iksihan na.

"I won't run away, Dos. Kung 'yon ang iniisip mo." Tugon ko.

"Oh."

I nodded and didn't bother to look at him. Nanatiling naka-direkta ang mga mata ko sa harapan kung saan kitang-kita ko ang buong itsura ko.

In front of me is a body-length mirror.

I'm wearing a white blouse tucked in my skinny jeans with my feet sheltered with a pair of heels.

From what I'm wearing, nostalgia hit me. Parang ako lamang noong nag ta-trabaho pa ako, the only difference is my short hair.

"If that's the case, then where are you going?" Tanong niya muli.

I sighed. "Sa hospital--"

"You'll go back?" Maagap niyang dagdag tanong.

Binalingan ko siya ng tingin at isang ngisi ang sumilay sa aking labi.

"Is this an interview? Dapat ko bang sagutin ang mga tanong mo sa akin?" I sarcastically asked back.

"No. Hindi sa ga'non. It's just that, nakakagulat na makita kang lumabas. You've been locking yourself for God knows how long."

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon