Page 19

41.6K 1K 102
                                    

Hello to wizwinds07! Thank you for sharing your insight about people's nature to not really like the people who are ideally have the capabilities to give us the moon and stars. I agree with you, sometimes, people do really like the opposite. Mas gusto natin yung hard way, the painful way, kasi mas ramdam natin.

Starting

"Are you... going home?" May kabagalan niyang tanong sa akin.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ngumiti pero ginawa ko. Kahit na marami akong gustong itanong sa kanya, nagawa ko pa rin ngumiti na para bang sigurado ako na wala dapat ikabahala.

I smiled at him and shook my head.

"Hindi pa, I still have to do some rounds later on." Tugon ko.

Tumango-tango siya na tila nag-iisip habang ako ay hindi alam kung paano gagalaw. I feel so stiff while standing beside Taw and in front of Hazel.

Napayuko nalamang ako at napatingin sa suot kong heels. I stared at them as if they could save me from this awkward situation. I don't even know where the awkwardness came from.

"Kathleen."

Halos mapapitlag ako sa narinig kong pag-tawag muli sa akin ni Carl.

Napilitan akong mag-angat ng tingin at wala sa sariling napaawang ang labi nang bumungad sa akin ang nakalahad niyang kanang kamay.

"Carl..." I managed to call out his name.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Let's go." Aniya.

Sa hindi malamang dahilan ay kumalabog ang puso ko.

"But..." I bit my lower lip. "Saan tayo pupunta? Hindi ako pwede mag-tagal—"

"I know." He nodded. "I'll bring you back by..."

Tumingin siya sa kanyang relo na naka-suot sa kanyang kaliwang kamay bago muling binaling ang tingin sa akin.

"...two pm? Will that do?" Tanong niya.

His whole attention was on me, he didn't bother to look at Taw nor Hazel that's why I did it for him. Ako ang sandaling lumingon kay Taw na nakatingin sa ibang direksyon at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakikita siyang ga'non.

Parang kahit hindi ko siya sinagot sa tanong niya kanina tungkol kay Carl at sa nararamdaman ko para sa kanya, tila nakuha niya na ang sagot mula mismo kay Carl.

"Taw." Tawag ko sa taong katabi ko.

Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga bago ako nilingon. Sa pag lingon niyang 'yon ay siya rin na pagsilay ng ngiti sa kanyang labi, ngiting alam kong hindi totoo.

"It's nice seeing you again, Taw. I have to go."

Tumango siya at bahagyang nanghina ang ngiti na mayroon siya.

"I'm happy to see you this close again, Kath. Take care." Aniya.

Nanglambot ang puso ko sa narinig at tinanguan nalamang siya. Ito ang mahirap gawin para sa akin, ang masaktan ang mga tao sa paligid ko na alam kong walang ginawa kung hindi humiling ng makakabuti para sa akin. Kakaunti nalamang sila, sasaktan ko pa.

I darted my eyes towards Hazel and saw how emotionless her face is.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya o kung may dapat ba akong sabihin kaya hindi nalamang ako nag-salita. Binigyan ko lamang siya ng panandaliang tingin bago muling binaling ang tingin kay Carl na sa akin lamang nakatingin.

"Let's go." Pag-anyaya ko sa kanya.

Muli niyang inabot sa akin ang kanang kamay niya at walang pag-aalinlangan ko iyon tinanggap. Nagawa ko pang ngitian siya nang marahan niya akong hinila palapit sa kanya.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon