Page 24

29K 788 71
                                    

Hi to Dahliab! Thank you so much for appreciating. Your comments give me so much life and inspiration. Thank you for understanding the side of every character. I totally appreciate it.

Home

"Taw, pumasok ka na sa kotse." Utos ko habang ang mga mata ko ay nakatuon pa rin kay Dos.

He tried stepping forward but I held the car's door which made him stop.

"Kath! Please. Stop running away!"

Umiling ako at hinayaan na tumulo muli ang isang batalyon ng luha mula sa aking mga mata.

Naramdaman ko ang paninikip ng puso ko. The pain is so deeply rooted within me.

"No, Dos. I'm sorry. I'll only stop running away if you stop going near me."

"What?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Binaling ko ang tingin ko kay Adrian na malungkot na nakatingin sa akin. Mas lalong sumakit ang nananakit kong puso. Maybe because of the way he looks at me, the pity was there but I can also see concern from him.

"I'm sorry. Please, hayaan niyo na ako. Nagmamakaawa ako." I begged.

Without waiting for them to answer, nag madali akong buksan ang pintuan ng sasakyan at walang sabi-sabing sumakay doon.

"Let's go, Taw."

"Saan tayo?" Tanong niya habang sinisimulan ng paandarin ang kotse.

Lumingon ako sa anak kong papikit-pikit na at hinayaang gumaan ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan siya.

"Sa bahay. We have to go back." I answered.

"What? But--"

"Sa bahay, Taw. Please." I stopped him from stopping me.

Rinig ko ang pag-buntong hininga niya. Pina-ikot niya ang sasakyan at tinahak na ang daan pabalik sa bahay na tinitirahan namin dito sa Australia.

Bago kami tuluyang makalayo ay napalingon ako para tignan kung umalis na sina Dos pero nakita kong pinipigilan pa ni Adrian at Simon si Dos sa pag-sunod sa amin.

"Anong plano mo?" Tanong ni Taw nang makarating kami sa harap ng bahay.

Hindi ko siya sinagot at hindi ko rin siya hinintay na pag-buksan pa ako ng pintuan. Mabilis akong bumaba at tinungo ang pwesto ng anak ko. Binuksan ko ang pintuan malapit sa kanya at agad na kinuha siya para kargahin papasok ng bahay.

"Mommy, hindi na po tayo mag-grocery?" Tanong ng anak ko habang kinukusot pa ang mga mata.

Umiling ako at halos lakad-takbo ang ginawa ko para makapasok agad.

"Kathleen!" Rinig kong tawag sa akin ni Taw. "Kath, mag-usap muna tayo." Aniya.

Binaba ko ang anak ko at ngumiti sa harapan niya para hindi siya mag-tanong. Tinukod ko ang binti ko sa sahig para mag-lebel ng tingin sa kanya. I carressed his face and slightly kissed his forehead.

"Go find your lola, tell her to pack our things."

Tumango si Carlisle at akmang tatalikod na siya nang tumigil siya para tignan ako muli.

"Mommy, are you okay?" Puno ng pag-aalala niyang tanong.

"Yes, of course. Just do what I say, okay? Everything will be fine."

Ang maliit niyang kamay ay inabot ang mukha ko para marahang hawakan. Muling tumulo ang mga luha ko pero ngumuti ako para 'wag siyang mag-alala.

My son is really smart...

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon