Page 17

39.5K 986 122
                                    

Belated Happy Happy Birthday to Abegail Valdez! I hope you enjoyed your birthday and I wish you storm of happiness and blessings. Thank you for the love and appreciation for my stories. Lovelove!

Need a fixing

I let out a deep sigh.

Pinilig ko ang aking ulo at muling tinuon ang sarili sa pagkain. Pinakatitigan ko ito na para bang ito ang pinaka-magandang bagay na nasaksihan ko, kahit na wala naman talaga roon ang atensyon ko.

I felt my arms turned cold and my stomach feels so light.

Why am I feeling this way?

"Okay ka lang ba, Kath?"

Rinig ko ang pagsara ng pintuan mula sa aking likuran at ang papalapit na yapak ni Georgina.

Binitawan ko ang kubyertos at nilingon siya. Bumungad sa akin ang gayak na gayak niyang itsura. Naka pang opisina siya at parang handang handa sa kanyang mga dapat na gagawin. She's wearing a red top that is partnered with a black pencil skirt.

Tumango ako. "Oo naman, bakit?"

Kunot-noo niya akong tinignan hanggang sa makalapit siya sa akin. Nang kakaunti nalamang ang distansyang mayroon kami ay marahan niyang nilapat ang palad niya sa aking noo at pinanliitan ako ng mata habang tila tinatantya ang temperatura ko.

Inabot ko ang kamay niyang nakahawak at winaksi iyon habang ang isa kong kamay ay inabot ang noo ko para matignan kung ano ang kanyang sinusuri roon.

"Kakaiba ka kasi these past few days."

"What do you mean?" Tanong ko.

She shrugged and darted her eyes towards the food I am eating.

"Halos kalahating oras ka ng naka-upo rito pero hindi mo pa tapos ang pagkain mo?"

Napatingin ako sa aking pagkain na halos hindi man nagalaw. Sa pagtingin kong iyon ay muli kong naramdaman ang panlalamig ng aking tyan.

"I'm not that hungry." Tugon ko sa kanya.

Rinig ko ang kanyang pag buntong-hininga. "Ang sabihin mo, excited ka lang."

Binalingan ko siya ng tingin at nakitang kumukuha siya ng tinapay sa taas ng counter. Sinubo niya iyon habang inaayos ang kanyang blouse.

"Excited? Para naman saan?"

Inabot niya ang tinapay na naka-subo sa kanyang bibig at tinignan ako na para bang nahuli ako sa isang kasalanang hindi ko alam na nagawa ko.

"Ngayon ang uwi ni Daddy Carl hindi ba?" Ngising wika niya.

Tila isang bomba ang sumabog sa loob ko sa munting pagkaka-rinig sa pangalang iyon. Hindi ko napigilan at bahagyang napaawang ang labi ko na mas lalong nagpangiti sa kanya.

"Sabi ko na nga ba! Balisa ka dahil sa kanya! Hah! Akala mo hindi ko napapansin? Pansin na pansin ko kaya. Para kang girlfriend na miss na miss ang kanyang boyfriend."

Napangiwi ako sa kanyang sinabi at muling binaling ang tingin sa pagkain. Inabot ko ang pinggan bago tumayo at bahagyang tinulak patalikod ang aking kina-uupuan.

Nakatingin pa rin siya sa akin kaya bahagya akong natigilan pero inirapan ko lang siya at dumiretso sa counter para ipatong doon ang pagkaing hindi nagalaw. Tinakpan ko iyon at hindi pa rin siya pinansin. Naglakad ako patungo sa lamesa at inabot ang isang basong tubig para uminom.

"Pupunta ka na bang hospital?"

Tumango ako at binaba ang baso.

"Hah? Bakit ang aga naman? Hindi ka rin uuwi ngayon, hindi ba? Isa pa, baka puntahan ka ni Daddy Carl at hindi ka niya maabutan dito. For sure, ikaw agad ang pupuntahan 'non." Tuloy-tuloy niyang sambit.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon