Page 36

45.7K 1.1K 266
                                    

Hi to my Inspirados out there! I know, I know, matagal tagal na since noong last update ko dahil nag simula na ang classes ko. But gladly, I sorted my schedule to find a time for writing. Thank you! Thank you everyone for waiting. Nakakataba ng puso ang suporta niyo at ang pagmamahal sa mga storyang nasulat ko. Now, enjoy! I love you all!

Your son

"Happy happy happy..." I paused and smiled. "...birthday, love." I whispered while swaying with him in the middle of the dance floor.

"Thank you for the nth time." He whispered back.

Bahagya akong natawa at napailing nalamang.

Narinig ko ang halakhak ng kanyang mga pinsan sa gilid namin. Bahagya akong nakaramdam ng hiya pero mas nanaig sa akin ang pagiging komportable sa kanila.

"Doon nga kayo! It is my birthday, pag bigyan niyo naman ako!" Pag babawal niya sa mga ito.

"Yeah yeah... Daddy Carl!" Panunukso ni Agatha bago hinila si Markus paalis ng dance floor.

"Inis na si Daddy Carl! Alis na tayo!" Pag sesegunda ni Alice at hinila ang nobyo niya paalis din ng dance floor.

Bahagya akong natawa dahil doon habang si Carl naman ay mukhang inis na inis sa panunukso sa kanyang Daddy Carl.

He is taking it in the bad way. Akala niya ay tinatawag siya ng mga pinsan niya sa ganoong paraan dahil sa pagiging protective niya sa akin. Hindi niya alam, tinutukso niya ng mga ito dahil ngayon ang araw na malalaman niyang totoong tatay siya.

"Damn. They're at it again. Ako na naman ang nakita nila." Aniya.

"Happy Birthday..." muli kong sambit. I bit my lower lip to supress my smile. "I really love dancing with you." Dagdag ko.

Hindi ko alam pero isang malaking bagay sa amin ang pag sayaw ng magkalapit. Tulad ng ganito, ang kanyang mga kamay ay nakapa-ikot sa aking baywang habang ang mga kamay ko ay naka-pulupot sa kanyang leeg.

I will always love to dance with him.

Always.

It is his birthday already, weeks passed and everything felt like bliss. From all those days that we were together, walang araw na hindi ako naging masaya. Kulang nalang ay hindi na kami mag hiwalay para mabawi ang mga oras na nawala sa amin.

Everything is okay.

Though I have fears, takot na baka mag wakas ito ng hindi ko inaasahan pero tuwing titignan ko siya sa mga mata niya, nagagawa kong mag tiwala.

Alam kong hindi niya ako pababayaan.

"How many times have you said that already? Hanggang kailan ba ang greetings mo?"

"Never ending? Hanggang masanay kang tawagin nilang Daddy Carl?" I answered back.

I heard him laugh and hugged me tighter if that is even possible from our existing closeness already. I was high, feeling so happy and crazy at the same time.

My heart is about to explode.

Yung kasiyahan na nadarama ko, walang kahit sinong makakapag pabago 'non o makakapag-paalis. Hindi ko kailan man pinangarap 'to, ang makasama siya ng ganito at mayakap siya kahit kailan ko gusto, kahit na alam kong 'yon lang ang mag papasaya sa akin.

I was fine with being okay, kahit hindi na masaya basta maayos lang pero kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko habang kasama siya ng walang iniisip na iba, I might as well die a thousand times just to repeat our love, to try and find a fire exit years ago.

MONTGOMERY 6 : Take A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon