"Bagsak ka na nga ngayon midterms hindi ka pa papasok?" Pangungunsensya sa akin ni Chatterly.
Napairap na lamang ako sa kawalan habang kinukulot ko yung dulo ng buhok ko gamit ang aking daliri. Kakagaling ko lamang kahapon sa salon kaya naman malambot na ulit ang aking buhok.
"Kung babagsak, edi babagsak...wala naman mangyayari kung araw araw pa akong papasok sa klase na yan, bagsak din naman ako" pagdadahilan ko sa kanila kaya naman kinuha ko na lamang ang earphones ko sa aking bag tsaka ako pumikit at sumandal sa may bench.
Pero hindi nagpatalo si Chatterley dahil kinuha niya ang earphone sa tenga ko at tsaka ako tinabihan.
"Kung hindi ka papasok, hindi na din ako papasok hayaan mo ng maagaw ni Natasha yung first place" pangungunsensya niya sa akin na kaagad namang tinanguan ni Ivoree.
Yan ang palagi nilang panakot sa akin sa tuwing tinatamad akong pumasok, bukod kasi sa ayokong mawala kay Chatterley ang rank niya ay ayoko ding lumaki pa ang ulo ni Natasha na yan.
"Oo na, oo na...palagi niyo na lang akong binablack mail!" Nagmamaktol na sabi ko sa kanila habang inaayos ko na din yung gamit ko para makapasok na kami sa susunod naming klase.
"President, president" tawag ng iba naming kaklase kay Chatterley dahil sa ang pinakamatalino sa aming klase.
Hindi ko na pinakinggan ang pinagusapan nilang dalawa at kaagad na akong umupo sa aking upuan. Wala pa ang professor namin na dati rati nama'y hindi na lalate kahit ilang segundo.
"Malapit na ang campus sportsfest...last na laban na to ni Dylan" rinig kong usapan ng mga kaklase kong babae.
"Sayang naman, kung bakit ba naman kasi nainjured pa siya last sem" daing pa nung kausap nitong isang babae.
Napatingin ako sa bintana malapit sa aking upuan. Ngayon ko lamang napansin ang iba't ibang kulay ng flag na nagrerepresent sa iba't ibang campus ng aming university. Grand sportsfest ang itatawag nila duon dahil first time na maglalaban laban ang mga campus namin.
Bumaling ako sa armrest ko at tsaka ko napagisapan na basahin ang libro ko kahit alam ko namang walang papasok sa utak ko ang kaso ay napahinto ang lahat dahil sa pagdating ng humahangos na si Natasha.
Nahawi ang nagkukumpulan kong mga kaklase, naging tahimik ang lahat na tila ba maging sila ay nakikidalamhati din kay Natasha. Inirapan ko na lamang siya ay tsaka tumitig sa may white board.
Ayoko sa mga ganyang drama, masyado niyang pinapadrama ang buhay niya eh hindi naman dapat, hindi naman siya artista at mas lalong hindi siya mukhang artista.
"Binasted ni Captain Dylan" natatawang sambit ni Ivoree ng tumabi siya sa akin.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay. "Yung basketball player?" Sambit ko na kaagad namang niyang tinanguan.
Tiningnan ako nito ng mapangasar tsaka lumapit at bumulong sa akin. "Yung patay na patay sayo" natatawang sabi pa niya kaya naman pabiro ko siyang tinulak palayo sa akin.
"Tigilan mo nga ako" suway ko sa kanya.
Buong klase ay naging tahimik na lamang ako, wala namang kaso sa akin basta ay wag lang nila akong guguluhin, hindi rin naman kami nakapaglesson ng maayos dahil yung problema ni Natasha ang naging topic ng professor namin.
Palibhasa ay paborito siya, paanong hindi magiging teacher's pet eh sipsip siya!
"Eh matino kasi ang pagiisip ni Dylan kaya malabo talagang patulan niya si Natasha" pahayag ni Chatterley ng palabas na kami sa room para pumunta sa kanyang sasakyan at makapaglunch sa malapit na mall.
BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...