Chapter 5

78.8K 2.3K 131
                                    

That asshole! Napagalitan pa tuloy ako ni Dad.

"We're not even close" inis na sambit ko pagkatapos kong ihagis ang bag ko sa couch tsaka ako tumalon sa may kama.

Gusto ko na sanang umidlip dahil kanina pa talaga ako inaantok pero ni hindi ko magawang pumikit. Kaagad kong hinugot sa cabinet ang aking mac book at tsaka nagonline. I suddenly rolled my eyes dahil sa nakita kong mga pictures ko as a candidate for the upcoming university pageant.

Umaabot na kaagad sa limang daang libo ang likes non, In just an hour. Comments and shares are in a huge number too!

"Psh" inis na sambit ko ng halos gawin na ng ibang chat box ang comment section.

Busy pa ako sa pagiiscroll ng kaagad na kumatok si Daddy. It's just a three knock and he suddenly open my door kaya naman kaagad kong isinara ang aking mac book at tsaka tamad na umupo sa aking kama.

"Brenda, why did you call Alec an idiot?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Daddy na mas lalo kong ikinasimangot.

"Cause he called me Maria...it's too oldie! We're not even close to be on first name basis!" Himutok at pagmamaktol ko.

Kumunot ang noo ni Daddy na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi.

"Can you even be nice...just a little?" Pakiusap na sambit niya na para bang alam niya sa sarili niyang masyadong mahirap ang hinihingi niya sa akin.

"For what?" Tanong ko dito kaya naman napaiwas siya ng tingin sa akin.

"We'll talk about that soon, for now I want you to be nice to Alec...please respect him, Brenda. He is older than you" paliwanag pa sa akin ni Daddy kaya naman halos mag 360 degrees yung mata ko dahil sa pagirap.

"Alright" labas sa ilong na pagsuko ko sa kanya.

No way!

Nagbihis muna ako bago ako nagpasyang bumaba, nagpahanda na daw kasi si dad ng dinner dahil duon kakain si Alec the asshole.

"Ito na pala si Brenda" sabi ni Dad pero halos mapanganga siya at mapasapo ng mukha si Tita Liezel dahil sa aking suot na paired pajamas.

Ang kaninang seryosong mukha ni Alec ay kaagad napalitan ng pagngisi. Hindi ko na sila pinansin at kaagad na akong umupo sa aking pwesto.

"Brenda, you should wear a descent dress...may bisita tayo" bulong na suway sa akin ni Tita liezel.

Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm going to sleep after this, so what's the point of wearing something special?  We'll just eat dinner anyway...nothing special" seryosong saad ko habang sa kung saan nakatingin with my chin up at eyebrows on flick.

Natahimik ang buong hapagkainan, even the maid na nagseserve sa amin ay hindi makagalaw ng maayos dahil sa pagtingin sa akin. Maya maya ay mukhang sobra nang nahiya si Dad.

"I'm sorry about that Alec" paumanhin ni Dad dito na para bang napakalaking kasalanan ang aking nagawa.

Lalo akong nainis ng tumawa lamang ito. Damn the dimples! I want one too!

"It's ok, Mr. Arenas...I don't mind, Maria wearing pajamas at dinner" sabi nito na halos ikataas ng aking balahibo.

He is so freaking matured when it comes to Dad! Grabe ang utak ng lalaking ito, kakaiba! Abnormal.

"I said, call me Brenda!" Sigaw ko sa kanya across the table.

He didn't sniffed a bit na para bang hindi siya apektado sa aking pagsigaw sa kanya. "Brenda, can you please behave hindi ko na alam ang gagawin ko sayo...ipapadala kita sa Lola mo sa US" pagbabanta ni Daddy sa akin kaya naman kaagad akong natigilan.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon