Chapter 29

63.3K 1.7K 127
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa akin Brenda?" May pagbabantang tanong niya sa akin.

Dahil sa kaba at takot na nararamdaman ay wala na akong nagawa kundi ang tahimik na mapaluha.

"Akala ko ba wala na?" Parang may hinanakit na tanong ko sa kanya.

If he is really done with Ate evangeline, dapat ay wala na lamang sa kanya ito ngayon. Ok he has the right to get shocked by the sudden news, but the fact that he is blaming me that I did not tell him about it is unexplainable.

Nanlalabo man ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha ay nagawa ko pa ding tingnan si Alec. Nakakunot ang noo nito habang diretso ang tingin sa may kalsada. Kitang kita din ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanyang manibela. Halatang malalim ang kanyang iniisip.

"But everybody has the right to know, hindi naman given iyon na pag nalaman kong buhay si Eve ay babalikan ko siya...kung yan ang iniisip mo" ramdam ko man ang galit at paninisi sa kanyang boses ay nanatiling kalmado si Alec.

Hindi na ako nakapagsalita pa pagkatapos nuon. He's right, yun na nga talaga ang inisip ko. What does he want me to do? Na magtatatalon sa tuwa para ibalita sa kanya na buhay ang babaeng mahal na mahal niya? It is hard for my part too! Mahirap din naman para sa akin na itago iyon, pero anong magagawa ko? Pinangunahan ako ng takot.

Tahimik ang byahe namin patungo sa Bulacan bukod duon ay ang halos isa't kalahating oras na dapat sanang byahe ay mas bumilis pa dahil na din sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan ni Alec.

Looks like he's too excited to see Ate evangeline. Dahil sa aking naisip ay mas lalo akong nakaramdam ng sakit. "What's with the emergecy again?" Seryosong tanong niya sa akin.

Bumaba ang aking mga mata sa mga daliri kong pinaglalaruan. "Her...her husband, I think is abusive" nauutal at hindi maayos na sagot ko sa kanya na naging dahilan pa ng pagmumura nito.

"You should have told me" paninisi pa din siya sa akin, hindi ko magawang sumagot, ni hindi ko din magawang ipagtanggol ang sarili ko.

"I'm sorry" naiiyak na sambit ko na lamang.

With one swift move nabaliktad ang lahat para sa akin. Ngayon ako na ang mukhang selfish. Ako na ang masama. Dahil sa nangingibabaw na takot na naramdaman ko na baka mawala ang lahat sa akin ay naging masama ako sa paningin ni Alec.

"Wala namang magbabago sa ating dalawa kung nalaman ko ito ng mas maaga Brenda" paninigurado pa niya sa akin pero masyado pang nasasaktan ang damdamin ko para tanggapin iyon.

Ayaw kong mawala si Alec. "I got scared" sambit na pagsusumbong ko dahil baka pag mas naging vocal ako sa kanya kung ano talaga ang aking tunay na nararamdaman ay mas maunawan niya kung bakit ko nagawa iyon.

Matagal bago nakasagot si alec bago niya hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. "Mahal na mahal kita, Maria" madamdaming saad niya sa akin. He is looking diretly to my eyes, with pupils dilated. I know he's telling the truth. I know and I believe that Alec is really inlove with me, so do I.

"I got scared I might lose you, Alec. I love you" sabi ko na parang nahihiya na lang din dahil sa aking mga pinagsasabi.

Ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay ay inilipat niya sa aking pisngi. Marahan na haplos ang ginawad niya sa akin matapos niya akong tipid na nginitian.

"You won't lose me, Maria...kung meron man sa ating dalawa na natatakot na may mawala ay ako iyon. Takot din akong mawala ka sa akin kaya hinding hindi ako gagawa ng kahit anong bagay na magpapalayo sayo sa akin" paninigurado at pagpapaintindi pa niya sa akin.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon