Chapter 6

77K 2.2K 219
                                    

"What? Ayoko nga!" Sambakol ang mukhang sabi ko sa kanya.

Ngumisi ito ng nakakaloko. "I'm doing you a favor, ayaw mo pa?" hamon niya sa akin kaya naman sandali akong napatigil.

"What favor?" Tanong ko sa kanya. A businessman will always do business!

"Sa palagay ko ay gusto mong magpa-good shot sa Daddy mo, kaya I'll help you" alok niya sa akin kaya naman napataas ang isang kilay ko.

"Why?" Pagtatakang tanong ko dito. Bakit naman niya ako tutulungan?

Mas lalong ngumisi ito sa akin. "Cause I have a heart for the needy" mapangasar na sambit niya kaya naman kaagad na nagtiim ang aking bagang.

"You know what old ball! Fuck you!" Hiyaw ko sabay padarag na hinatak ang aking shoulder bag at mabilis na tinahak ang pintuan palabas.

"I'm just kidding, you hot tempered Brat!" Pagpigil niya sa akin.

"Don't call me brat, you Moron!" Balik na asik ko sa kanya, gustong gusto ko na siyang tampalin dahil sa sobrang pagkainis. Ang walanghiyang ito!.

Mas lalo siyang napahalakhak. "I'm not kidding, I'm freaking serious!" Pagbabanta ko sa kanya kaya naman walang ilang segundo ay naging pormal nanaman ang mukha nito.

"Two face pedophile" nanggagalaiting bulong ko sa aking sarili. I don't care kung narinig niya wala akong pakialam.

"Ok Maria, gusto kong tulungan ka para naman..." seryoso ang pagkakasabi niya nuon kaya naman im expecting na magiging seryoso na siya this time.

"Para naman ano?" Tamad na tanong ko dahil masyadong pabitin! Bwiset talaga.

"Para naman...hindi mo ako binibwiset pag nasa inyo ako" nakangising sabi niya at duon ko na hindi na pigilan ang aking sarili.

"Conceited jerk! Asshole!" Tuloy tuloy na sigaw ko sa kanya habang humahangos akong paalis duon.

Habol habol ko ang aking hininga habang nasa loob ng elevator, makakaganti din talaga ako sa lalaking yun. Halos pagtinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko dahil sa pamumula, natural na mestiza kasi ako.

"Iuwi mo na ako" masungit na sabi ko sa aming driver at kaagad ako nitong pinagbuksan ng pintuan.

Halos lahat ng madaanan ng aking mata ay kulang na lang kainin ng lupa dahil sa talim at sama ng aking pagkakatingin. That asshole! Mabilaukan sana siya!

I expect na wala si Daddy sa aming bahay dahil masyado pang maaga. Inihahanda ko naman ang aking sarili dahil baka makasalubong ko naman si Tita Liezel. She is not even worthy of my attention, ewan ko ba sa babaeng iyon masyadong epal.

"Good afternoon Ma'm Brenda..." bati sa akin ng isa sa mga kasambahay. I don't know masyado ding plastick ang mga ito hindi naman mandatory para sa akin na batiin nila ako. Mas gusto ko pa ngang wala na lang pansinan! Kanya kanya na lang para mas masaya.

Hindi pa man tuluyang nasasara ng aming maid ang aming front door ay kaagad na akong napalingon dahil sa pagbusina. Kaagad akong nagtaka ng si Daddy iyon.

"Sino ang dumating?" Rinig kong tanong ni Tita liezel mula sa aming second floor. Nang tuluyan ko na siyang matanaw ay tinaasan ko lamang ito ng kilay.

"Si Sir Arthur po, Ma'm" sagot sa kanya ng isa sa aming mga katulong. Kita ko ang mabilis na pagbaba ni Tita liezel sa aming hagdan, bitch talaga ang isang ito.

Inirapan ko siya at tatalikuran na sana nang bigla akong tinawag ni Dad. "Brenda, anak!" Pagtawag nito sa akin tsaka ako kaagad niyakap.

Napangisi ako ng halos nanggagalaiting nakatingin sa amin si Tita liezel. Tinaasan ko siya ng kilay bago ko ginantihan ng mahigpit ang yakap sa akin ni Daddy.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon