Chapter 50

103K 2.4K 343
                                    

Kanina pa ako lakad ng lakad, sa isang madilim na pasilyo na may para bang walang katapusang paghakbang ay tanaw ko ang liwanag sa dulong bahagi nito. Gusto kong makapunta duon, gusto kong makita kung ano ang nasadulo nuon.

"Mommy...makakasama na ba natin si Ate Brenda?" Rinig na rinig ko ang boses na iyon, at sobrang napakapamilyar niya sa akin.

Sinubukan kong magpalinga linga para hanapin kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

"Parating na siya Brandon" sabi pa ng isang pang boses.

Mula sa paglalakad ay napahinto ako, lalo na at nakumpirma ko na kung saan at kung kanino galing ang mga boses na iyon. Sa dulong bahagi, kung nasaan ang liwanag.

Sina Mommy at Brandon...

Hahakbang na sana ako para puntahan sila ng kaagad akong mapahinto.

"Maria...wag mong gawin sa akin ito, mahal na mahal kita" rinig na rinig ko ang umiiyak na boses ni Alec. Kaya naman napatingin ako sa aking likuran, ngunit madilim duon.

"Maria..." patuloy na umiiyak na pagtawag niya sa akin.

"Mommy, makakasama na ba natin si Ate dito?" Muling tanong ni Brandon.

Muli kong tinanaw kung saan nanggagaling ang liwanag. Nanduon sina Mommy, nanduon silang dalawa ni Brandon. Hinihintay na nila ako.

"Miss na miss ko na si ate" sabi pa nito kaya naman unti unting tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"Maria...wag please, nagmamakaawa ako. Wag mong gawin sa amin ito" patuloy din na pagiyak ni alec na nanggagaling ang boses sa aking likuran.

Mariin akong napapikit bago ako walang lingon lingong tumakbo papunta kila Mommy. Tumakbo lang ako ng tumakbo, umiiyak habang hinihingal dahil sa gusto kong makapunta sa kanila.

"Mommy...Brandon" tawag ko sa kanilang dalawa.

Sobrang ganda sa lugar na iyon. Parang isang palasyo, kaharian sa taas ng langit. Nakasuot si Mommy ng isang puting bestida na sumasayad na sa lupa. Napakaganda ni Mommy para siyang isang diyosa. May mga gintong palamuti din ang kanyang buhok. Ganuon din naman ang aking kapatid na si Brandon.

"Ate!" Sigaw na tawag ni Brandon sa akin at tsaka siya mabilis na tumakbo papalapit sa akin.

Wala na akong iba pang nagawa kundi ang salubungin siya at yakapin siya ng mahigpit. "Ate..." tawag pa din niya habang sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap sa akin.

"Miss na miss na kita Brandon" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Matagal ko ng pinapangarap ang pagkakataong ito, na muli kong mayakap ang kapatid at ang mommy ko.

"Bumaba kami para sunduin ka Ate" masayang kwento sa akin ni Brandon sabay turo sa isang kulay ginto, mataas at magarang hagdanan. Sobrang laki nuon na para bang malulula ka na lamang sa ganda at maaakit na umakyat.

Nawala ang pagtingin ko sa magarbong hagdanan ng hinarangan iyon ni Mommy. Duon na tuluyang bumuhos ang lahat ng luha ko.

"Mommy ko!" Umiiyak na sambit ko tsaka ako halos tumalon na sa kanya para mayakap siya.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon