Chapter 46

95.4K 2.4K 478
                                    

Kaagad akong kinabitan ng oxygen pagkadating sa hospital para kahit papaano ay guminhawa ang aking paghinga. 

Nakatulog ako ng maramdaman ko ang unti unting pagkalma din ng aking katawan. Hindi ko alam kung ilang oras ang itinagal nuon pero pagdilat ko ay nasa isang private room na ako. Tanging si Mama Pia at Clark lamang ang nasa loob, hindi pa nila nahahalata ang aking pag gising pero napansin kong mukhang malalim at seryoso ang kanilang pinaguusapan.

May nakakabit pa ding oxygen sa akin at dextrose. Gumalaw galaw ako dahilan para mapansin iyon ni Clark kaya naman kaagad nila akonh nilapitan na dalawa.

"Kamusta na ng mga baby ko?" Kaagad na tanong ko sa kanila habang walang pakialam sa aking sarili.

"Ayos naman sila Hija, walang problema" sagot ni mama pia saakin habang hinihimas himas nito ang aking ulo.

Seryoso lamang na nakatingin sa akin si Clark kaya naman napatingin na lamang din ako sa kanya.

"Tinakot mo ako...tinakot mo kami" seryosong saad niya sa akin, ang ekspresyong iyon ay nakita ko na sa kanya nuong oras na halos mag agaw buhay si yvonne dahil sa kanyang panganganak.

Pagod akong ngumiti sa kanya tsaka yumuko. "I'm sorry" matamlay na sambit ko na lamang.

Muli akong napatingin sa buong kwarto pero mas lalo lamang sumakit ang aking puso ng hindi ko nakita si Alec. Muli ko nanamang naramdaman na parang hinihiwa yung puso ko dahil sa isiping alam na niya ang sakit ko pero heto't wala pa din siya.

"Sandali at tatawag ako ng doctor" paalam ni Mama pia at mabikis na lumabas ng kwarto.

Namutawi ang katahimikan sa buong paligid na para bang pati ang pagpatak ng dextrose ay pwede na naming marinig. Kasabay nuon ay halos sabay sabay na tumulo ang aking mga luha.

"Galit ba siya sa akin?" Umiiyak na tanong ko kay Clark at hindi ko na talaga napigilan ang hindi mapaiyak.

Kaagad na umalalay si Clark sa akin pero sa tingin ko ay mas kailangan kong iiyak ito kesa itago ko lamang dahil mas mabigat iyon sa damdamin.

"Galit ba siya dahil muntik ko nanamang pinabayaan yung mga baby namin?" Dugtong kong tanong sa kanya pero Clark just cupped my face.

"Hindi ganuon Brenda" malungkot na sabi niya sa akin.

Hindi ko man maintindihan ang totoong sitwasyon ay nalulungkot pa din ako at nasasaktan dahil wala si Alec dito ngayon. I was expecting something else, iba ang ineexpect ko sa aking pag gising.

"Hindi na talaga ako importante para sa kanya..." halos pabulong na lamang na sambit ko dahil sa pagiyak.

"Hindi yan totoo Brenda, mahal na mahal ka ni Alec" sambit nito pero ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

Gusto kong itanong kung bakit wala siya ngayon dito kung ganuon. Bakit ba palagi na lang niyang sinasabing mahal niya ako pero ganito ang ginagawa niya sa akin?

"Gusto ko nang umalis dito" pakiusap ko kay Clark dahil ayoko din talaga ng pakiramdam ng nasa hospital, mas lalo akong nakakaramdam ng panghihina dito at sakit.

Hindi nakapagsalita kaagad si Clark nakatingin lamang siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya alam kung paano sisimulan.

"May problema ba Clark?" Tanong ko sa kanya dahil naninibago ako sa kanya ngayon.

Nakatingin lamang ako sa nakayukong si Clark habang naghihintay ng kanyang sagot hanggang sa mapatingin kaming pareho sa pagbukas ng pintuan.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon