"Tita pia..." hindi makapaniwalang sambit ko.
Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. Titig na titig siya sa akin at ramdam na ramdam ko ang kanyang galit. Kitang kita ko ding ang panginginig ng kanyang labi na nagpapakitang galit na galit siya at parang nanggigigil.
"Don't call me Tita, ni hindi kita kaano-ano! Paano mo nagawang nakawan ang anak ko! Pinakasalan mo siya para sa pera, you're a gold digger!" Sigaw pa niya sa pagmumukha ko.
"Tita Pia let me exp..." hindi na niya pinatapos ang aking sasabihin dahil mabilis na lumipad ang kamay niya sa aking pisngi. Dahil duon ay hindi ko na napigilang hindi mapaluha.
"You used my son! I will sue you for it!" Nanggagalaiting sabi niya pa sa akin.
Imbes na magalit din sa kanya ay mas lalo pa akong nagalala. "Tita huminahon po kayo, yung puso niyo po" pagaalalang sabi ko dahil alam kong kagagaling lamang nito sa hospital kaya nga lumipad kaagad sina axus at alec patungo sa spain.
Dinuro niya ako at tinampal muli. "Hiwalayan mo ang anak ko! Pera lang ang habol mo sa kanya, umalis ka dito" galit pa ding sabi niya sa akin na hindi man lang inalala ang pagaalala ko sa kanya kanina.
Marahan akong napailing. "Tita mahal ko po ang anak niyo, maniwala po kayo sa akin mahal ko po si Alec" paninigurado ko sa kanya pero imbes na maniwala ay muli nanaman niyang sinampal ang aking pisngi at hindi na duon natapos iyon dahil kaagad niyang hinawakan ang kumpol ng buhok ko at tsaka ako sinabunutan.
"I wont let you hurt Alec!" Sabi niya habang gigil na gigil siya sa akin.
Hindi ko siya nilabanan, she has the rights, she's the mother of my husband.
"Tita..." nanghihinang sambit ko dahil nakaramdaman nanaman ako ng kirot sa aking bandang tiyan.
"Ma'm Pia, tama na po iyan...kagagaling lang po ni Ma'm brenda sa hospital" natatarantang suway sa kanya ng mga kasambahay pero hindi na ito pinakinggan. Hindi ko na din nasundan pa ang sumunod na pangyayari dahil mabilis na nagdilim anh aking paningin at naramdaman ko na lamang ang paglapat ng aking katawan sa may sahig.
Parang binugbog ang aking katawan ng pakiramdaman ko ito nang magkaroon na ako ng malay. Hindi na muna ako dumilat dahil parang pagod na pagod talaga ang pakiramdam ko.
"What do you want me to do? Hayaan na ginaganyan ka?" Rinig na rinig ko ang galit na boses ni Tita pia kaya naman mas lalong hindi ako dumilat.
"Ginaganyan? What do you mean Mom?" Problemadong tanong ni Alec sa kanya, his voice is compressed na para bang inaalala niyang nandito lamang din ako sa kwartong kinalalagyan din nila.
"Ninakawan ka na at lahat, iniwan ka pagkatapos ng kasal niyo tapos andito pa din yan!? And why didn't you tell me about your wedding? Alec harold naman!" Nanggagalaiting sambit ni Tita pia.
Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa kaya naman halos manlamig ang katawan ko.
"Mom, I love Maria...mahal ko siya" sagot ni Alec sa ina.
Gusto kong magtatatalon sa aking kinahihigaan dahil sa aking narinig. Gustong gusto kong lapitan si alec at yakapin.
"Mahal ka ba niyan? Tell me, how sure are you na mahal ka niyan Alec? Pera mo lang ang habol niyan" sabi ni Tita pia.
"Kahit na" matapang na sagot ni Alec sa ina kaya naman siguradong sigurado akong nanggagalaiti nanaman ito sa galit.
"Alec harold! Hindi ko isinakripisyo ang buhay ko para sa inyong dalawa ni Axus para ganituhin lang kayo ng mga tao kagaya niyan" mangiyak ngiyak na sabi nito at hindi nagtagal ay narinig ko na ang kanyang pagiyak.

BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...