"He did that?" Hindi makapaniwalang sambit ni Chattetley sa akin.
In the end of the day sila na lang ni Ivoree ang meron ako, sa kanila ako pumunta at umiiyak. I'm not like this before, alam nilang dalawa kung gaano ako katapang pagdating sa mga ganito. I'm always the cool one, I don't stress myself from bullshit things but look what happend now, I'm not the one who cries like a baby in front of them because of Alec.
"Hiwalayan mo yan" seryoso at madiing utos ni Ivoree sa akin. She is so serious about it.
"Botong boto pa naman ako kay Alec" makungkot at may bahid ng panghihinayang na saad ni Chatterley.
"Gago pala yan eh! Iwanan mo ulit!" Nanggagalaiting dugtong pa ni Ivoree.
Hindi na ako nakapagsalita pa, nasabi ko na ang lahat sa kanila kanina. I already said everything at wala na akong maicocomment pa.
"Nagusap na ba kayo ng Ate eva mo?" Malumanay pa ding tanong sa akin ni Chatterly na kaagad ko namang inilingan.
"Ano pa bang paguusapan nila eh malinaw naman na siniraan niya si Brenda sa gagong Alec na iyon!" Nanggagalaiting sambit ni ivoree.
Naghari ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. "Dito ka na matulog, wag ka na munang umuwi sa bahay niyo" suwestyon ni Ivoree na kaagad namang kinontra ni chatterley.
"Kailangan nilang magusap mag asawa, hindi matatapos itong problema nila kung aalis si Brenda" giit nito.
"Isang gabi lang! Wag ka ngang OA diyan, pagpahingahin muna natin itong si Brenda, eh kinakawawa pa ng nanay ni Alec " sagot ni Ivoree sa kanya.
Yakap yakap ko ang malaking unan ni Ivoree. Halos magaalas nuebe na ng gabi pero ni isang text o tawag ay wala man lang akong natanggap mula kay Alec, ni hindi nga yata ako nito hinahanap.
Magkatabi kami ni Chatterley sa kama samantalang nasa may sofa bed naman si Ivoree at hanggang ngayon ay busy sa harapan ng kanyang cellphone.
"Magpahinga ka na" sabi ni chatterley sa akin tsaka niya ako niyakap.
Mabilis kong ginantihan ang yakap niya, they are both like my sisters. Simula pa lang sila na talagang dalawa ang nandiyan parati para sa akin. They never failed to comfort me and made me feel loved all the time.
Sa bahay nila Ivoree ako nagpalipas ng buong magdamag. They we're with me lalo na ng nalaman nilang ni hindi ko magawang matulog, nagpuyat din sila kagaya ko.
"Girls eat your breakfast na..." pag gising sa amin ni Tita irene. Mommy ni Ivoree. She is a working Mom kaya ito nanaman at kung kumilos ay parang hinahabol ng kabayo.
"Yeah yeah!" Antok na antok na sagot ni Ivoree sa ina dahil halos maguumaga na din ng umidlip kaming tatlo.
"Do you want to have your breakfast here instead?" Tanong ni Tita sa amin ang kaso ay nakapikit pa yung dalawa kaya naman sa akin na lamang siya napatingin.
Nanlaki ang aking mata dahil hindi ko din alam ang dapat kong isagot sa kanya kaya naman nginitian niya na lamang ako pagkatapos ay nilapitan.
"Magiging ayos din ang lahat hija..." sabi niya sa akin bago ako niyakap.
Tita Irene is one of Mommy's circle of friends together with Chatterly's mom.
"The company is back under your name, pauwiin mo na dito sila Tito para naman hindi ka na ganyanin ni Alec" suwestyon ni ivoree habang nag brebreakfast kaming tatlo sa balcony sa kanyang kwarto.
"Ayokong malaman ni Dad to, siguradong masasaktan siya" nanghihinang sabi ko sa kanilang dalawa. Hindi ako nakaligtas sa matalim na tingin ni Ivoree sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/107840414-288-k19533.jpg)
BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...