Chapter 12

68.9K 1.8K 105
                                    

"Iba ka, Brenda" pangangantyaw sa akin ni Ivoree habang tatawa tawa naman si Chatterley habang sumisimsim sa kanyang iced coffee.

Halos gustong lumabas ng eye balls ko dahil sa pagirap at tsaka kanina ko pa gustong magpakain sa lupa. Pagkagaling sa school ay dumiretso kami sa isang cafe para duon pagusapan ang plano naming pagbabakasyon sa Zambales.

"I didn't mean that" nakangusong sabi ko sa kanila pero tinawanan lamang nila akong dalawa.

Halos sumakit ang aking leeg ko dahil hindi ko magawang bumaling sa katabi naming lamesa kung saan duon magisang nakaupo si Alec Herrer na mukha namang ineenjoy ang kanyang kape.

"Pero wag ka! Niyakap din siya ni Alec Herrer" kantyaw pa ni Ivoree dahil hindi iyon nasaksihan ni Chatterley.

Mas lalo akong nahiya at ramdam na ramdam ko ang init ng aking magkabilang pisngi. Iniiwan ko talaga ang lingonin ito, kahit pa pigil na pigil ang aking mga galaw dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig at tingin niya sa akin.

Maya maya ay humilig sa akin si Chatterley. "Kanina ka pa niya tinitingnan" kinikilig na bulong nito sa akin kaya naman wala sa sarili akong palihim na tumingin dito pero halos manigas ako ng magkasalubong ang aming mga tingin.

"Aba't" sambit ko ng bahagya pa itong napaiwas ng tingin. Napakaarte!.

"Nahihiya si Lover boy" natatawang sambit ni Ivoree na tsaka naman ginatungan ni Chatterley.

Pinilit kong iniwasan ang pagkwentuhan ang nangyari kanina kaya naman mas nagfocus kami sa paguusap para sa aming magiging bakasyon sa Zambales.

"Papayagan ka ba?" Biglang tanong ni Ivoree tsaka nito nginuso si Alec.

Kaagad na nanlaki ang aking mga mata. "I don't even need his permission" mataray na sambit ko sa dalawang ito pero makahulugan lamang silang nagtinginan.

"I think mahihirapang magpaalam si Brenda" sambit ni Chatterley.

After ng aming maguusap ay nagkanya kanya na kami. I even insist na sumabay na lang ako kay Chatterley dahil on the way lang din naman ako pwede nila akong idrop off pero hindi ako pinayagan nung dalawa.

"Hinintay ka ni Alec, wag ganun Brenda..." pangungunsensya pa nilang dalawa sa akin kaya naman napairap na lamang ako.

"Ok ka na?" Biglang sulpot ni Alec sa aking tabi.

Mabilis akong napaiktad ng maramdam ko ang kanyang presensya sa aking tabi kaya naman kaagad akong humakbang palayo sa kanya.

"Yeah" pinilit kong tarayan ang aking boses para sana magtunog normal ito pero hindi ko magawa.

Kitang kita ko kung paano tumaas ang isang sulok ng labi ni Alec dahil sa nagtatagong ngiti dito kaya naman kaagad akong napanguso.

"May problema ka ba?" Tanong niya sa akin pero para bang may laman iyon kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Na depressed lang ako kanina dahil sa exam..." laban ko sa kanya. Damn it Brenda you sound very defensive!

Tumango tango na lamang ito na para bang tinatanggap niya ang aking dahilan.

"Do you want to go somewhere else before I send you home?" Tanong niya sa akin kaya naman napanguso ako habang nagiisip.

Ayoko pa din kasing umuwi sa bahay. Hindi ko alam pero everytime na uuwi ako ay pakiramdam ko uuwi lamang ako duon para gumawa ng plano kasama sina Daddy at Tita liezel. Hindi ko naman sinasabing masama sila ngunit ang isiping kailangan naman talaga iyon ng aming pamilya ay hindi nagpapatahimik sa akin.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon