Chapter 22

74.2K 1.8K 66
                                    

"Brenda you're so stupid!" Pagmamaktol ko bang halos sabunutan ko na ang aking sarili habang nagpapabalik balik na naglakad ako sa loob ng kwarto ni Alec.

Halos gustong tumalon ng dibdib ko sa kaba. Hindi ko inakala na sa ganitong paraan malalaman ni Alec ang lahat.

Napatalon ako paupo sa kama ng marinig ko ang paggalaw ng doorknob.

"Damn" impit na pagmamaktol na saad ko, malakas ang aircon sa loob ng kanyang kwarto pero ramdam na ramdam mo ang pagtulo ng mga butil ng pawis mula sa aking noo.

Pinaakyat kasi ako nito matapos ang aking sinabi sa kanya. Sinabi niyang nay paguusapan muna sila ng kanyang pinsan at tsaka niya ako aakyatin para kami namang dalawa ang makapagusap.

"Brenda let's talk" seryosong sambit niya while directly looking at my eyes.

I swallow hars so that i can calm myself. "Wala tayong dapat pagusapan" mataray na sabi ko sa kanya tsaka ko siyang tinaasan ng isang kilay.

Kaagad ding bumawi ito sa akin, tinaasan din niya ako ng isang kilay habang ang naglalarong ngisi sa kanyang labi ay pilit niyang itinatago.

"C'mon let's be honest starting from now" seryosong sabi niya pero nagmukhang pangaasar ang dating nuon sa akin.

Inismiran ko siya tsaka ako umirap. "Conceited" kunwaring bulong ko na sinadya kong marinig niya.

"Clark told me th..."

Kaagad ko siyang pinigilan. "Masyado kang nagpapaniwala sa pinsan mo eh mainit ang dugo nuon sa akin" sabi ko na dala na din pagsusumbong.

Ang kaninang malamlam na mata nito ay kaagad na nagiwas ng tingin sa akin kitang kita ko din ang pagtiim ng kanyang bagang.

"Hindi mo sila masisisi br..."

"I know...I admit" sabi ko sa kanya na nagpatahimik sa kanya.

Sinubukan kong lumayo kay alec ng mga sumunod na araw. Kung magtatagal man kaming magkasama ay sinisigurado kong busy kami o may paguusapan kaming ibang bagay para hindi na niya na ako tanungin pa tungkol sa mga pinagsasabi ni Clark.

"I'm still worried about you anak" sabi ni Dad nang mag video call kami.

Kanina ay nasa screen din ang aking mga kapatid na sina lawrence at lorenzo, even Tita liezel wave a hello to me. Pero kinausap siya ni Dad na we need a private talk for a while. Hindi naman na ito nagreklamo pa kaya naman hindi kami nahirapan.

"There's nothing to worry about Dad ayos lang po ako dito" paniigurado ko sa kanya so that hindi na siya gaanong magisip at magalala pa sa akin.

Kahit ganuon ang aking sinabi ay hindi pa din nawala ang pagaalala sa kanyang mukha. "What if, he hurts you?" Pagaalala at alanganin niyang tanong sa akin.

"Physically?" Nakangisi kong tanong kay dad. Hindi ito natawa o ginantihan man lang ang aking ngisi. He is dead serious about it kaya naman napalunok ako.

"Subukan lang niya, sasapakin ko siya" seryosong sabi ko kay Dad. It's sounds like it's a joke pero totoo ang aking sinabi. Mata lang ang walang latay pag nagkataon.

Sandaling natahimik ang pagitan namin ni Daddy kaya naman napaiwas ako ng tingin sa screen. "Brenda...do you love Alec?" Tanong niya sa akin.

Dahil sa tanong ni Dad ay halos hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang mata ko. Natatakot akong titigan si Daddy kahit sa screen lamang iyon.

"Brenda...tell me, I can keep a secret you know" panghihikayat pa niya sa akin kaya naman dahan dahan akong tumango.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon