Chapter 45

92.1K 2.4K 572
                                    

Tita pia cupped my face. "Hija hindi mo dapat itinago sa amin yan lalo na sa asawa mo" sabi niya sa akin pero wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.

"Hindi ko na po alam ang gagawin ko Tita, natatakot na po ako..." sumbong ko sa kanya at ang mahigpit kong yakap ay kaagad niyang ginantihan.

"Diyos ko, bakit kailangan pang mangyari sa inyo into" umiiyak na sambit niya habang nakayakap sa akin.

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain ni tita pia ay kaagad niya akong isinama sa kanyang doctor.

"Wag kang magalala, we will seek for help" pagpapalakas niya ng aking loob.

"Oh what brought you here Pia" salubong sa amin ng isang may katandaan ng doctor.

"Tito, we need your help" sabi nito at kaagad na hinawakan ang aking kamay.

Ikinwento sa kanya ni tita pia ang lahat. "Who's your cardiologist?" Tanong niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang sinagot.

"Dr. Norwin manalo po" magalang na sagot ko sa kanya kaya naman kaagad siyang napatango tango.

"Don't worry i'll talk to him, we're collegues" sabi ni Tito Simon na kamaganak pala nila.

"Pero tito kaya naman diba? Brenda can survive with the babies...right?" Pakiusap at paninigurado ni Tita pia.

In that very moment parang nawawasak ang aking puso, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya na may kasama akong lumalaban at nagbabakasakaling may paraan pa. In that very moment naramdaman ko ang pagmamahal at pagaalala ng isang ina.

"Hindi ko pa masasagot iyan sa ngayon Pia, i'll talk to Dr. Manalo as soon as possible para madiscuss namin ang case ni Brenda..." professional na sagot niya sa amin kaya naman maluha luhang napatingin sa akin si tita pia.

"Please Tito...save them just like what you did to me and the twins" pakiusap pa niya kaya naman napaiyak na din ako. This is tita pia, ina siya ng asawa ko, we never had a good start but look at her begging for someone just to save me.

Malumanay na ngumiti ang doctor. "Pia, ikaw yun...nabuhay ka kasi you choose to. Mabubuhay si Brenda kung pipilitin niya" sabi at paliwanag niya bago siya tumingin sa akin.

Pagkatapos ng appointment sa doctor ay niyaya ako ni tita pia sa kanilang bahay. Sigurado daw kasi siyang bored na bored na ako sa bahay kaya naman kailangan ko ding mamasyal.

"Evangeline?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Opo, yung first love po ni Alec...pinsan ko po iyon" kwento ko pa sa kanya.

"Yung namatay?" Gulat na tanong niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.

"Hindi ko naman talaga gusto ang babaeng iyon, bukod sa mas matanda siya sa anak ko...mukhang hindi pa siya gagawa ng mabuti" mataray na kwento sa akin ni Tita pia kaya naman napanguso na lamang ako.

Dinala niya ako sa bahay nila ni Tito austin. Kagaya ng bahay namin ni alec ay malaki din iyon, more on spanish like ang tema dahil sa pagiging purong espanyol ni tito.

"Naging tahimik na ang bahay na ito simula ng lumaki na ang mga baby ko" natatawang tukoy niya kina Alec at Axus.

Sinundan ko lamang siya hanggang sa dinala niya ako sa may kusina. Duon ay naglabas siya ng iba't ibang prutas sa ref, mukhang balak nanaman akong busugin.

"Ok lang may anim naman na parating..." natatawang sabi niya at kitang kita ko talaga kung paano kumislap ang kanyang mga mata.

"Po?" Paguulit ko.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon