Dinama ko ang pagkakayakap sa akin ni Alec na nagbibigay sa akin ng init sa kabila ng matinding ginaw dahil sa aking basang katawan.
"Brenda!" Tawag ni Clark sa hindi kalayuan.
Mabilis akong bumitaw sa pagkakayakap sa akin ni alec. Dahil sa aking ginawa ay kitang kita ko kung paano pumunta ang matinding pagtataka sa kanyang mukha. Nakita ko kung paanong puminta at gumuhit ang sakit sa kanyang pagmumukha nang mas pinili ko siyang binatawan para salubungin si Clark.
"Anong nangyari?" Nagaalalang tanong nito sa akin.
Walang sabi sabi kong tinanggap ang yakap niya sa akin at duon ko nakumpirma ang isang bagay. I felt a over flowing warm in Alec's hug pero I feel so secured when I am with Clark.
"Gusto akong patayin ni Ate Eva..." umiiyak na sumbong ko sa kanya.
Dahil sa mga nangyari ay unti unti akong nanghina at tsaka mabilis na kinain ng dilim ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Apat na iyak ng bagong silang na sanggol ang nagpagising sa akin. Sikat ng araw ang kagaad na sumalubong pagkabukas ng aking mga mata. Sa aking tabi ay nakahiga at nakahelera ang apat na bagong silang na sanggol na kapwa umiiyak at mukhang naghihintay ng pagaaruga mula sa kanilang ina, sa akin.
Unti unti kong naramdaman ang pagtulo ng aking mga luha. Pero naputol ang lahat ng iyon nang may mapansin akong isang bagay. Nang makumpirma ko kunb ano ang aking lubos na ipinagtataka ay mabilis akong kumilos para sana makatayo ang kaso ay hindi ko magawa dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking sinapupunan.
Ramdam na ramdam ko pa ang sakit dahil sa aking sariwa pang mga sugat dahil sa aking panganganak. Mas lalong lumakas ang pagagos ng aking luha, hindi ko magawang sumigaw para humingi ng tulong kaya naman mabilis kong iginala ang aking mga mata.
"Alec?" nagtatakang tawag ko sa kanya pero nakatayo lamang ito sa paanan ng kama nakatingin sa mga bagong silang na sanggol.
"Alec...alec bakit tatlo lang to? Bakit tatlo lang to?" Paulit ulit na tanong ko sa kanya.
Apat ang batang dinadala ko sa aking sinapupunan ngunit tatlo lang ang nasa aking harapan ngayon. Hindi sumagot si Alec, nanatili lamang siyang nakatitig sa mga aming mga anak.
Mabilis akong napalingon sa pintuan ng makarinig ako ng isa pang matinis na pagiyak ng sanggol.
"Ate eva!?" Gulat na tawag ko sa kanya ng makita kong may hawak itong isang sanggol.
Pinilit kong makatayo o makagalaw man lang pero hindi ko magawa. Malakas ang aking loob na anak ko iyong hawak niya.
Nginisian niya ako bago niya hinele ang hawak na bata. "Bayad ka na sa utang mo sa akin Brenda..."sabi niya na ikinagulat ako.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya pero mas lalo lamang lumawak ang kanyang ngisi sa akin.
"Akin na ang isa sa mga anak mo Brenda, ito ang kabayaran dahil sa pagkawala ng anak ko" sabi niya sa akin kaya naman kaagad na nagtatambol ang aking dibdib.
"Wag...wag Ate eva, parang awa mo na ibalik mo ang anak ko" umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Gusto ko man siyang lapitan para mahawakan ay hindi ko magawa.
"Ang damot mo naman ata Brenda? Hinding hindi mo mararamdaman ang pagkawala ng isa sa mga anak mo...isa lang ang kinuha ko, tatlo pa ang matitira sayo" pangangatwiran niya sa akin pero bayolente lamang akong napailing.
BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...