Chapter 9

66.9K 2K 54
                                    

"Two weeks na lang!" Hiyawan nina Chatterley at Ivoree.

Tahimik lamang ako sa kanilang tabi habang kinakalikot ang aking bagong make up.

"Saan kayo this summer?" Tanong ni Chatterley sa amin.

"Sa Japan ang balak nina Mommy at Daddy" sagot sa kanya ni Ivoree.

"Muntik na! Duon din kami dapat eh, pero nagrequest si Ate na dalawin namin siya sa Germany" kwento ni Chatterley sa amin.

Nagtawanan silang dalawa. "Ikaw Brenda?" Tanong nito.

Magsusummer break na kasi kaya naman excited na excited silang dalawa.

Nagkibit balikat na lamang ako sa kanila. Kaya naman kaagad na nagulat yung dalawa. "Hindi ka pa nakakapagplano?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ivoree. Cause it's not the usual me.

"Ewan, halos lahat naman na ata napuntahan ko" sabi ko na lamang dahil napuntahan ko naman na talaga halos lahat nang nasa travel list ko.

"Brenda, may meeting daw para duon sa pageant" biglang pagsingit sa akin ng aming kaklase.

Tamad ko siyang tiningnan. "I won't come, i'm not interested" sabi ko sa kanya at tsaka ko inaayos ang pamumula ng aking pisngi.

"That's too much Brenda, natural ng mapula ang pisngi mo" pagmamaktol ni Chatterley.

Tinawanan ko siya. "Bakit ba? This is what I like eh" pangaasar ko sa kanya na ikinanguso na lamang niya.

"Huy! Pumunta ka na duon, walang representative ang section natin" pagpupumilit sa akin ni Ivoree.

"Edi si Natasha, tutal gustong gusto naman niya yun...siya na" casual na sambit ko dahil hindi ko naman talaga pinangarap na maging beauty queen.

Inirapan ako ni Ivoree. "Edi tuwang tuwa nanaman iyon dahil nakuha nanaman niya ang gusto niya" pangungunsensya nito sa akin.

Kaagad ko iyang inilingan at tsaka nginisian. "She can have the pagent, but hinding hindi niya makukuha ang gusto niya" I said in a evil way.

Let's not care too much for other people. I need to be selfish from now on, I only need to think of my self lalo na at marami ang may ayaw sa akin.

Pagkatapos nang aming halos isa't kalahating oras na break ay naglakad na kami papunta sa susunod na klase namin. Nadaanan namin ang basketball court na kaagad namang napahinto ang paglalaro dahil sa aming pagdaan.

"Iba ka talaga Brenda, humihinto lahat sa pagdaan mo" natatawang pangaasar sa akin ni Ivoree.

Nagmake face na lamang ako sa kanilang dalawa. Ni minsan talaga ay hindi ako nagkainterest sa mga lalaking yan.

"Masyado kasing misteryoso itong si Brenda! Sa ganda niyang yan...halatang mataas ang standard sa lalaki" paliwanag ni Chatterley. Siya talaga yung tipong may paliwanag sa lahat ng bagay. Ganyan talaga siguro pag matalino. Kung ano ano ang naiisip.

Pumasok kami sa classroom at napatahimik sila dahil aming pagpasok. "Brenda...bakit ka naman umatras?" Nnaghihinayang na saad ng aking mga kaklase.

Ngayon lamang nila ako inapproach dahil kahit isa talaga sa kanila ay wala akong kinakausap bukod sa aking dalawang kaibigan at sa bitch na si Natasha.

"I just can't..." tipid na sabi ko sabay upo sa aking upuan. Ang aking upuan ay nasa pangalawang row, sa pinakadulo kung saan sina Chatterley at Ivoree lamang ang aking katabi.

Anti social, that's what you call it. Ayoko lang kasing ibigay ang tiwala ko sa ibang tao pagkatapos ay lolokohin at iiwan lamang din ako. No way! I won't let anyone do that to me.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon