"Sakay! Umuwi na tayo" galit na asik niya sa akin.
Mula sa pagkakapikit ay napadilat ako at mabilis kong tiningnan ang kanyang kanang kamao. It's freakin bleeding! I hate blood. Damn goodness.
Hindi ako nakagalaw kaagad dahil sa panghihina ng makakita ako ng dugo pero kaagad akong hinawakan ni alec sa braso at tsaka hinila pasakay sa kanyang sasakyan.
"Mag mamall pa nga ako eh...nakakainis naman" inis na bulong ko ng isinara na dito ang pintuan tsaka umikot papunta sa driver seat.
His right hand is now wrapped with a white hanky. Nakatitig lamang ako duon kahit halos tumagos na ang dugo sa puting panyo.
Napakuyom ko ang aking kamao ng bumaling ito ng tingin sa akin. Matatalim, nakakatakot kaya naman napalunok ako.
"Ba...bak" hindi na niya ako pinatapos sa akin sanang pagtatanong.
"Mag seatbelt ka" galit na utos niya kaya naman ako itong aligagang nagsuot ng seatbelt.
Nagkalat ang iilang mga bubog galing sa salamin ng sasakyan sa sahig ng kanyang sasakyan. Hindi inalinta ni Alec ang basag na salamin sa kanyang gilid. Seryoso lamang itong nagmamaneho, nakakunot ang kanyang noo na para bang may malalim pang iniisip.
"Ayaw mo bang magpadala sa hospital?" Tanong ko sa kanya.
Nakapasok na ang sasakyan sa gate. Bukas na din ang main door ang pagbaba na lamang namin ang hinihintay.
"No, let's rest" plain na saad niya sa akin na para bang tamad na tamad pa siyang kausapin ako.
Napatango na lamang ako sabay labas ng kanyang sasakyan. Kakasara ko pa lang ng pintuan ay nagulat na ako ng mabilis na itong naglakad papasok, inunahan pa ako.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sungit ha" sambit ko sabay irap sa kanya kahit nakatalikod siya.
Dirediretso si Alec sa second floor kaya naman huminto na lamang ako sa harapan ng kanyang maid.
"Uhmm...may medicine kit ba kayo dito?" Tanong ko na parang tanga lang dahil sigurado namang meron sila.
"Kukuhanin ko lang po Ma'm" paalam niya sa akin tsaka niya ako iniwanan.
Halos ilang minuto na akong nasa labas ng kwarto. Nakatitig lamang ako sa pintuan habang yakap yakap ko ang hiniram kong medicine kit. Natatakot ako sa pwede kong abutan sa loob.
"Go brenda...go go go" parang tangang pag checheer ko sa aking sarili matapos kong dahan dahang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto.
"F*ckin..." hindi ko na naituloy ang pagmumura ko ng makita ko ang broad back ni Alec, it's so sexy with the matching water drops all over his body. Nakatapis lamang kasi ito ng tuwalya at ang kanyang medyo may kahabaan ng buhok ay basang basa din.
Halos mahigit ko ang aking hininga ng lingonin ako nito pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa hawak hawak kong medicine kit.
"Uhmm...gamutin mo yung sarili mo ayoko kasi sa dugo eh" diretsahan kong sabi sa kanya.
He's jaw dropped literally. Imbes na magpaapekto ay tinaasan ko na lamang siya ng isang kilay.
"Eh..."
"No ikaw ang gumamot sa akin" seryosong sabi niya tsaka siya parang model na naglakad paupo sa may dulo ng kama, ginawa niya iyon ng hindi man lang tinatanggal ang tingin sa akin.
"Eh hindi naman ako marunong, ayoko ng dugo" pagmamaktol ko pero hindi ito umimik nanatili lamang ang matalim na tingin niya sa akin, naghihintay.
BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...